^

Pang Movies

Titigokin na rin... Radio program ni Kuya Germs, mukhang magagaya sa Walang Tulugan

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Na-sight si Mike Enriquez sa Palacio de Maynila reception ng kasalang Osar Oida-MJ Marfori noong Saturday.

Isa sa mga ninong si Mike dahil kasamahan niya sa GMA News and Public Affairs si Oscar.

Nakita namin sa may photo booth si Sir Mike, kaya nagpakuha kami ng litrato kasama siya.

Si Sir Mike rin ang big boss ng DZBB, ang AM radio station ng Kapuso network kung saan ay may radio program ang namayapang si German Moreno.

Tinanong ko si Sir Mike kung ano na ang mangyayari sa Walang Siesta afternoon radio program ni Kuya Germs, pero wala pa raw silang desisyon tungkol doon.

Alam ni Sir Mike na mawawala na ang Walang Tulugan with the Master Showman TV show ni Kuya Germs.

“Hindi pa talaga namin alam ang mangyayari sa radio program ni Kuya Germs, wala pa kaming desisyon tungkol doon. Alam naman natin na hindi mapapalitan ang isang Kuya Germs, kaya wala pa talaga. Hindi pa namin alam kung ano ang mangyayari sa radio program ni Kuya Germs,” pahayag ng DZBB big boss.

Atty. Ferdinand Topacio, may ka-date na dating childstar

Humabol ang Kapuso star na si Bea Binene sa church wedding nina Oscar Oida at MJ Marfori.

Na-traffic, kaya na-late ng dating si Bea kasama ang kanyang ina.

Isa naman sa mga ninong sa kasalang ‘yon ang controversial na si Atty. Ferdinand Topacio.

Nagkaroon ng gap noon sa pagitan ng dalawa, pero nagbatian naman sila nang magkita sa kasalang ‘yon.

Tatawa-tawa nga si Atty. Topacio nang biruin tungkol sa pagkikita nila ni Bea.

Anyway, sa wedding reception, inusisa namin si Atty. Topacio dahil ang dating child star at ngayon ay 28-year old na na si Sara Polverini ang kasama niya sa kasalang ‘yon.

Si Sara ba ang dahilan kung bakit hindi na sila nakikitang masyadong magkasama ni Deniece Cornejo?

“Pareho ko silang client. Ikaw talaga!” natatawa na lang na paglilinaw ni Atty. Topacio.

Alam ng lahat ang kaso ni Deniece na hawak ni Atty. Topacio, pero ano naman ang kaso ni Sara? “Hindi ko pa puwedeng sabihin!” sagot niya.

Dalawang komedyante, nakapundar  na ng malaking bahay sa Amerika

Parehong may nabiling bahay sa California ang dalawang komedyante na belong sa isang TV network.

Nauna ang komedyante na nakabili ng bahay at kamakailan nga ay nakabili rin doon ang isa namang komedyana.

Ayon sa isang Pinoy na nakatira sa lugar na ‘yon na malapit sa Los Angeles, sa iisang community lang daw nakabili ng bahay ang dalawang komedyante.

Hindi lang malinaw kung si comedian ang kumumbinsi na sa lugar din na ‘yon bumili ng bahay si comedienne.

Ang maganda, malayo ang dalawang komedyanteng ito sa ibang mga ko­medyante noong araw na hindi masinop sa kanilang kinikita kaya karamihan sa kanila ay walang naipundar at nakikitang lumilibot sa iba’t ibang TV networks para manghingi ng tulong sa mga kapwa nila artista.

Dapat tularan ng ibang mga artista ang dalawang komedyante na ito na marunong magpundar ng ari-arian mula sa kanilang mga kinikita.

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

BEA

BEA BINENE

DENIECE CORNEJO

FERDINAND TOPACIO

GERMAN MORENO

KUYA GERMS

SIR MIKE

TOPACIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with