^

Pang Movies

Ginagamitan na lang daw ng ‘kambyo’ Jake umaming nawawalan ng kontrol kay Arci

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang kukulit ng tatlong lead actors ng Pasion de Amor na sina Jake Cuenca, Ejay Falcon and Joseph Marco sa finale and thanksgiving presscon na ginanap kahapon. Isama mo pa si Wendell Ramos at ang mga alaskador na direktor na sina Eric Quizon at Don Cuaresma.

Tawanan talaga to the max kapag tinatanong ang tungkol sa love scenes habang ang mga babae namang cast na sina Coleen Garcia, Arci Munoz at Ellen Adarna ay parang pa-demure na hindi mo maintindihan.

Natanong ang anim na bida kung nagkaroon ba sila ng sexual ten­sion sa kanilang mga love scenes lalo pa nga’t sandamakmak ang mga maiinit na tagpo nila rito.

Si Jake ay umamin na kaila­ngan daw talaga ito para mas epek­tibo nilang magawa ang intimate scene.

 “Ako, sa eksena namin ni Arci, kailangang para mag-work ang eksenang ‘yun, there has to be sexual tension. Pag kaeksena ko si Arci, nabibighani ako sa kagandahan niya

 “May halong kaba ‘yun, may halong “wow, eto na ‘yung oportunidad na mahahalikan ko ‘yung babaeng mahal ko sa istorya”.

 “So, para sa akin, ha, ako, every scene na ginagawa ko with her, nagpapasalamat ako doing that scene with her, ganu’n kaswerte ako na naka-partner ko si Arci,” say ni Jake.

Paano niya kinokontrol?

 “Kambyo,” natatawa niyang sabi. “Kambyo-kontrol, segunda, tersera,” tawa pa rin niyang dag­dag.

Aminado naman si Jake na may mga moments talagang nawawalan ng kontrol kaya parang naiiba raw talaga ang mga love scenes at mas nagiging sexy.

Minsan ay nalilito nga raw siya kung totoo na ba ito or eksena pa ba.

 “Doon naiiba ‘yung kissing scene na ‘yun kaysa sa kissing scene ng ibang show,” sabi pa ni Jake.

Natanong naman si Arci kung naramdaman ba niya na tinototoo na ni Jake ang mga eksena minsan at natawa ang aktres.

 “Eh siguro kaya magandang lumabas ‘yung mga eksena namin kasi medyo nala­lagyan naman ng konting katotohanan. Wala namang ma­lisya, pero bakit, guwapo naman si Cuencers (tawag niya kay Jake), may mga abs pa ‘yan,” natatawang sabi ni Arci.

Wala ba siyang attraction kay Jake?

  “Eh guwapo naman si Cuencers at sobrang bait pero ano kami niyan, brothers. Pero malay mo naman, mahaba pa naman, isang buwan pa ang Pasion at saka malay mo, mayroon pa ulit kaming project ni Jake,” she said.

Say naman ni Joseph, importante talaga ang sexual tension kahit pa hindi mo gusto ang kapareha mo.

 “Swerte ko na lang kasi napakaganda ng leading lady (Coleen) ko, kaya effortless,” sabi ni Joseph.

May times din naman na umaabot siya na katulad ng nararamdaman ni Jake dahil importante raw ‘yun para maging makatotohanan ang eksena,

Sa Feb. 26 na magtatapos ang Pasion de Amor at masayang-malungkot ang lahat ng cast dahil magtatapos ito nang maganda ang ratings at malungkot naman dahil siyempre, mami-miss nila ang bawat isa dahil almost one year nga silang magkakasama.

Heart nanlambot sa ginawang sulat ng anak ni Sen. Chiz

Mag-iisang taon nang kasal sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa darating na Pebrero 15.

Kaya naman sobrang close na rin ang kambal na anak ng senador na sina Quino at Chesi sa kanilang Tita Heart na nagsilbi na ring kanilang ikalawang ina.

Sa katunayan, nitong Lunes, ibinahagi ni Heart sa kaniyang mga follower sa Instagram ang sulat ni Chesi sa kanila ni Chiz na labis na ikinatuwa ng aktres.

“Dear Tita Heart and Daddy, Thank you for being kind and for teaching me how to act properly. I am sorry that sometimes I don’t follow you. I am happy that I have both of you. Love, Chesi,” ang siyang naging laman ng maikling sulat ni Chesi.

Nag-drawing pa ang eight-year-old daughter ni Chiz ng larawan nilang tatlo nila Heart sa nasabing sulat.

“I am touched. The sweetest girl ever. (she got my high pony right?),” sey ni Heart sa sulat ni Chesi. 

 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ARCI

CHESI

JAKE

LEFT

NAMAN

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with