^

Pang Movies

Parang hindi endorser... Miriam nakasimangot sa billboard

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang billboard ni former Miss Universe first runner-up Miriam Quiambao para sa isang beauty clinic sa may Timog Avenue, Quezon City.

Marami ang nagkokomentong parang hindi happy ang dating ng hitsura ni Miriam sa billboard na ‘yon.

Parang hindi naka-smile roon si Miriam.

Dahil beauty clinic ang ine-endorse niya sa billboard na ‘yon, dapat ay masaya ang dating ng actress/TV host.

Katabi pa naman ng billboard na ‘yon ang billboard naman nina Maine Mendoza at Alden Richards para sa isa ring beauty clinic at happy ang dating ng dalawa.

Andre at Barbie masusubukan na sa comedy

Ang pilot telecast ng That’s My Amboy nina Barbie Forteza at Andre Paras sa GMA 7.

Magaan ang dating ng kilig-serye na ‘yon.

Bagay kina Barbie at Andre ang roles nila sa That’s My Amboy.

May nakakapansin nga lang na kapag nagpapatawa si Andre ay tila ginagaya niya ang tatay niyang si Benjie Paras.

Magkakaalaman nga pala kung tanggap ng fans ang pagpapakilig nina Barbie at Andre sa That’s My Amboy kapag lumabas na ang rating ng kanilang pilot telecast.

Sa katatapos lang kasing afternoon series nila na The Half Sisters ay obvious na gusto ng fans ang pagda-drama nila dahil tumagal ng lampas isang taon ang series na ‘yon at talagang hanggang sa ending ay consistent sila sa pagkakaroon ng magandang ratings.

Nora babalik na talaga sa pagpoprodyus

Ayon kay Nora Aunor, magpoprodyus uli siya ng pelikula at bubuhayin ang NV Productions niya.

May isang pelikula nga raw siyang ipoprodyus, pero hindi pa siya nagbigay ng detalye.

Bago ang pelikulang ipoprodyus, pupunta muna sa Amerika by March ang Superstar at may aasikasuhin daw siya roon.

Marami pang mga plano si Nora, pero ayaw pa muna niyang magkuwento.

Sa ngayon, happy raw siya sa Little Nanay primetime series niya sa GMA 7.

Ayon naman sa staff ng Little Nanay, very professional sa kanilang set si Nora.

Mabait nga raw ang Superstar at marunong makisama sa staff.

John tumaas ang ‘value’ dahil sa Heneral Luna

Ikinatuwa naman ng fans ni John Arcilla na isinama siya ng GMA 7 sa That’s My Amboy.

After ng success ng Heneral Luna, ang That’s My Amboy ang unang regular TV series ni John.

Nagtaas na ng talent fee si John at kinagat naman ‘yon ng Kapuso network.
Maraming magagandang bagay ang idinulot sa buhay ni John ang pagbibida sa Heneral Luna.

Mas kilala na rin siya ngayon ng mga tao at may fans na rin siya, huh!

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANDRE PARAS

ANG

AYON

BARBIE

BARBIE FORTEZA

HENERAL LUNA

LITTLE NANAY

MY AMBOY

NORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with