^

Pang Movies

Alden at Maine siguradong papatusin kahit posporo

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang swerte naman nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang rami nilang nailaglag na da­ting endorsers queen. Lahat na yata ng produkto ay model ang dalawa maging posporo yata ay gusto silang kunin bilang modelo.

Tama lang ang desisyon ni Alden na huwag pakakawalan ang anumang alok dahil minsan lang ‘yan sa buhay ng mga artista.

Hindi rin totoong nagpunta siya ng Dubai kaya absent siya noon sa EB dahil matagal na raw inalok sa kanya ang mag-show doon.

Pauleen lalayasan ang EB ‘pag kinasal na?!

Bakit ba biglang nawala sa Eat Bulaga si Julia Clarete? Hinaha­nap tuloy siya ng mga tagahanga, mabuti na lang may bini-build up silang birthday girl kung tawagin na si Patricia para kahit paano ay may kapalit siya.

Tanong lang,  tuloy pa rin kaya si Pauleen Luna sa EB kahit Mrs. Vic Sotto na siya? Kung sabagay, nandyan naman si Maine Mendoza at pwede siyang humalili kay Pauleen.

Mga senior citizen na suki ni Willie, naiyak

Maraming senior citizen, mostly kababaihan ang hindi napigilang mapaiyak noong magpaalam si TV host Willie Revillame sa Wowowin.

Bakit daw ganun, wala pang one year ay natsugi na ang show nito gayung marami namang nanonood. Nagbuntong hininga na lang sila sabay tanong kung saan sila makakahingi ng pamasahe, jacket at cell phone.

Sino na raw ang makakasayawan nila habang kinukunan ng camera? Well that’s showbiz, walang kapanatagan ang show kung hanggang kailan tatagal.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BAKIT

EAT BULAGA

JULIA CLARETE

MAINE MENDOZA

MRS. VIC SOTTO

PAULEEN

PAULEEN LUNA

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with