^

Pang Movies

Tinalbugan ang Miss U Paolo sablay sa panggagaya kay Pia!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nabigo si Paolo Ballesteros na gayahin ang itsura ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa pama­magitan ng makeup transformation.

Bongga sana ang panggagaya ni Paolo kay Pia pero mas maganda pa rin siya kesa sa reigning Miss Universe.

Pero na-duplicate ni Paolo ang impersonation niya kay Miss World 2013 Megan Young.

Kuhang-kuha ni Paolo ang face value ni Megan kaya puwede sila na mapagkamalan na magka­patid.

Cristalle wala nang urungan ang kasal

Sure nang ikakasal ngayong 2016 si Cristalle Belo sa kanyang fiancé na si Justin Pitt.

Magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa third quarter ng taon sa isang sosyal na lugar sa Italy.

At bilang social climber ako, dadalo ako sa kanilang kasal kapag inimbitahan ako dahil matagal-tagal na rin mula nang rumampa ako sa Italy.

Pia reynang-reyna na talaga

Reynang-reyna si Pia Wurtzbach nang umuwi siya kahapon sa Pilipinas.

Kahit nasa Japan ako, napanood ko ang video ng pagbabalik-bayan ni Pia at maraming salamat sa modern technology.

Bagay talaga kay Pia ang nakataas at nakapusod ang buhok dahil litaw na litaw ang Filipina beauty niya. Nagbabago kasi ang itsura niya kapag nakalugay lang ang kanyang buhok.

Aktres nag-iinarte, mas matagal pa raw ang ibiniyahe kesa sa exposure sa show

Hindi pala happy ang isang aktres sa naging participation niya sa talent search program na nag-babu na sa ere.

Ang feeling ng aktres, nasayang lang ang pag-apir niya sa nasabing show dahil hindi siya masyadong nabigyan ng im­portansya.

May nakarinig sa reklamo ng aktres na mas matagal pa ang kanyang biyahe papunta sa studio kesa exposure niya sa talent search show.

Walang karapatan na magreklamo ang aktres dahil mahaba o maigsi man ang kanyang exposure, hindi binabawasan ang talent fee niya.

Dapat narinig ng aktres ang eulogy ni Manila City Vice Mayor Isko Moreno sa necrological service para kay Kuya Germs.

Hindi nakakalimutan ni Papa Isko ang sinabi sa kanya ni Kuya Germs na pinakamasarap na trabaho ang pag-aartista dahil binabayaran sila para maghintay.

Julia wala raw kinalaman sa hiwalayang Ciara-Jojo

Isang concerned friend ni Julia Clarete ang nagsabi na walang kinalaman ang former TV host ng Eat Bulaga sa paghihiwalay nina Jojo Oconer at Ciara Sotto.

Unfair daw na idawit si Julia sa nangyari na hiwalayan dahil matagal na ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na foreigner.

Sa tanong kung true ba na buntis si Julia kaya biglaan ang pagpapaalam nito sa Eat Bulaga, “baka” ang hindi sigurado na sagot ng kausap ko pero sumusumpa siya na inosente  si Julia sa Oconer-Sotto split-up.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CIARA SOTTO

CRISTALLE BELO

EAT BULAGA

JOJO OCONER

JULIA

JULIA CLARETE

JUSTIN PITT

KUYA GERMS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with