^

Pang Movies

Bea at Zanjoe matagal na ring winakasan ang relasyon, Angelica at John Lloyd hiwalay na, last year pa!

- Vinia Vivar - Pang-masa

As of press time, pinagpipistahan ang pag-amin ni Zanjoe Marudo na break na talaga sila ni Bea Alonzo pero wala na siyang iba pang detalyeng sinabi kung kailan ang break-up, sino ang nakipag-break, at ano ang dahilan.

May nakausap kaming isang very reliable source at ang tsika niya sa amin, matagal nang hiwalay ang dalawa. Nung time na nag-presscon ng pelikulang A Love Affair starring Bea, Dawn Zulueta, and Richard Gomez na ipinalabas noong Agosto ay break na raw ang dalawa at hindi na lang ipinag-ingay pa ng aktres.

Ang tsika pa ng aming source, talagang break na rin daw sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz last year pa rin.

“Nung time na nag-abroad sila separately, wala na sila nu’n,” say pa ng aming source.

Tinanong namin kung totoo ba ang tsikang sina Bea at Lloydie at ayon sa kausap namin, “hindi naman agad-agad ‘yan. Pero alam ko, si Lloydie, parang nililigaw-ligawan niya talaga ngayon si Bea pero winarningan na siya agad ni Bea na “don’t. Don’t push it.” say pa ng aming source, si Lloydie raw ang nakipag-break kay Angelica, same with Bea na siya ang nakipag-break kay Zanjoe.

Kean hirap na hirap sa mga tanong tungkol sa asawa

Hirap na hirap si Kean Cipriano na sagutin ang mga katanungan tungkol sa detalye ng kasal nila ni Chynna Ortaleza nang tanungin siya tungkol dito sa presscon ng Love is Blind.

Aniya, napag-usapan daw nila kasi ni Chynna na huwag nang i-publicize pa ang tungkol dito.

“The thing is, me and my wife talked about it and discussed it na parang all the details about our life and marriage, and our family, we just want to keep it to ourselves, all the details,” he said.

Natanong din siya tungkol sa isyung preggy na ngayon ang wife niya at hindi rin ito sinagot ng singer/actor.

“Well, the thing is, kasi po, I respect her decision that much and our decision as a fami­ly and our family’s decision as well, parang I don’t really want to give out anything. We are living a good life with happy family na pag nagsalita ako ng detalye, baka matulog ako sa baba ng kama,” paha­yag pa ni Kean.

Sa huling post ni Chynna ay may mga reactions and comments na rin about her being on the family way at hindi rin sinasagot ng aktres.

“We really want to keep it to ourselves, thank you for the respect and the understan­ding,” he said.

vuukle comment

A LOVE AFFAIR

ACIRC

ALIGN

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BEA

BEA ALONZO

LEFT

LLOYDIE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with