^

Pang Movies

Yna, ipinaglaban na ang pagmamahalan nila ni Angelo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos paulit-ulit na magsakri­pisyo para sa kaligayahan ng iba, nagpakatotoo na sa kanyang sarili si Yna (Kathryn Bernardo) at piniling ipaglaban ang kanilang pagmamahalan ni Angelo (Daniel Padilla) sa top-rating teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.

Matapos ihayag ang kanyang totoong nararamdaman kay Angelo, tuluyan na rin siyang pinakawalan ni David (Diego Loyzaga) na ngayon ay lalong lumalala na ang kalagayan.

Ngunit sa kabila ng pagpapakatotoo sa sarili, kailangang harapin ni Yna si Nanay Belen (Amy Austria) na nananatiling tutol sa relasyon nina Yna at Angelo.

Samantala, determinado si Claudia na mawala sa landas niya sina Yna at Amor (Jodi Sta. Maria), lalo na ngayong alam na niyang si Yna si Maria Amor, ang anak nina Amor at Eduardo (Ian Veneracion).

Hanggang kailan mapapaniwala ni Claudia ang kanyang pamilya na hindi pa rin niya naaalala ang kanyang nakaraan? Magtagumpay kaya siya sa mga plano niya? Magawa pa kaya niyang paghiwalayin sina Yna at Angelo gayong desidido na ang mga itong magpakatotoo sa kanilang nararamdaman?

Sa mga umiinit na tagpo sa Pa­ngako Sa ‘Yo, mas umiinit din ang suporta ng mga manonood dito. Kagabi (Jan 20), pumalo ito sa national TV rating na 30.5%. 

Huwag palampasin ang mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino, Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng  FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

vuukle comment

ACIRC

AMY AUSTRIA

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGELO

CLAUDIA

DANIEL PADILLA

DIEGO LOYZAGA

IAN VENERACION

PANGAKO SA

YNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with