^

Pang Movies

Pagiging optimum star ni Claudine nabuhay sa Manipis…

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Malaking hamon kay Claudine Barretto ang Bakit Manipis ang Ulap?. Unang pagbabalik niya iyan sa primetime at magbibida siya ulit sa nasa­bing teleserye. Ang tagal-tagal na niyang sinasabi na may gagawin siyang pelikula at may gagawin siyang ser­ye at ngayon nga lang natuloy.

Hindi rin masasabing biru-biro ang suporta. Pi­na­suportahan siya kina Cesar Montano at Diether Ocampo. Bagama’t may nagsasabi ngang ang pro­ject na iyan ay nakasandal talaga kay Claudine. Ganoon pa man, hindi maikakailang mahusay namang actor ang dalawa at may following din.

Bukod diyan binigyan pa siya ng isang mahusay na director, si Joel Lamangan. Isipin mo, ang makakasabayan niyang mga serye ay hindi ganoon katindi ang director. Kaya nga siguro sa takbo ng kuwento at pagpapakilos sa kanyang mga artista ay lamang na ang Bakit Manipis ang Ulap.

Pinakakadiin-diin din nila ang bago nilang tawag kay Claudine Barretto na “optimum star”. Hin­­di naman ipinaliwanag kung saan nang­galing ang title na iyan at kung bakit siya tinawag na ganoon. Pero sa tunog ay parang ang gusto nilang sabihin na talagang kabilang si Claudine sa hanay ng pinakamalalaking stars sa kasalukuyan sa kabila ng mahabang panahon ng kanyang pamamahinga sa show business.

Kung iisipin, iyan na ang pinakamalaking break na muling dumating kay Claudine. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganyang pagkakataon, na maging star sa remake ng isang pelikula noong araw ni Danny Zialcita.

Ano naman kaya ang magiging resulta ng malaking proyektong iyan para kay Claudine? ‘Yan ang aabangan natin oras na magsimula na ang Bakit Manipis ang Ulap? sa TV5.

Inaabangan pa rin ang kita sa MMFF movies... Fans may karapatang malaman kung saan napunta ang pera nila nu’ng Pasko

Hanggang ngayon ay nagtatanungan pa rin sila kung bakit nga ba hindi inilalabas ang talagang resulta sa takil­ya ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Iyon lang kasi ang makakaresolba ng kasalukuyang krisis sa pataa­san ng kinita. Ang punto kasi riyan, maaaring tinalo na nga ng pelikula ni Vice Ganda ang pelikula ni Vic Sotto, pero ang hinahabol pa rin nila ay kung sino nga ba ang top grosser sa nasabing festival.

Kaya ganoon ang tanong, kasi ang gusto nilang malaman ay kung magkano ang opisyal na kinita ng bawat pelikula sa Metro Manila lamang, kung saan idinaos ang festival dahil iyon din ang batayan kung magkano ang halaga ng amusement tax na isasauli ng gobyerno para mapaghatian ng mga beneficiaries na kinabibilangan din ng ilang ahensiya ng gobyerno. 

Hindi dapat isama sa bilang ang kinita sa mga probinsiya o sa abroad. Ang pinag-uusapan sa MMFF ay Metro Manila lamang.

Kagaya nga ng sinabi namin, posibleng nalampasan na nang malaki ng pelikula ni Vice ang pelikula ni Vic Sotto, dahil nakikita naman natin na nananatili sila sa mas maraming sinehan hanggang sa ngayon. Pero sana, ilabas na ng MMDA kung magkano talaga ang kinita ng mga pelikula noong panahon ng festival. Palagay naman namin, may karapatan ang mga mamamayan na malaman iyon, dahil pera nila iyon eh. Sila ang nagbayad ng tax, hindi naman iyon nagmula sa budget ng MMDA.

Ang festival na ‘yan ay tulong ng bayan sa industriya ng pelikula at iba pang nakikiparte sa kinita. Hindi iyan tulong ng mga mayor o ng MMDA.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT MANIPIS

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

HINDI

KUNG

METRO MANILA

PELIKULA

SHY

ULAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with