^

Pang Movies

Janice tanggap na ang hindi pagkakaroon ng mahahabang biyas

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi uso kay Janice de Belen ang New Year’s resolution dahil kung gusto raw talaga ng pagbabago ng isang tao ay dapat hindi lang ginagawa ang mga goal sa buhay sa unang buwan ng January, kundi sa buong taon.

Tulad ng pagbabawas ng timbang ni Janice na by accident lang daw nangyari simula nang maglipat sila ng bahay last year. Tinuluy-tuloy lang daw ito ng aktres at inalagaan nito ang kanyang pagpapapayat.

Sa tanong sa isang interview kung bibigyan siya ng chance na baguhin ang kanyang hitsura, wish niya sanang maging sexy with long legs at sana raw ay mas matangkad siya.

Pero hindi after ang aktres sa panlabas na anyo dahil kuntento ito sa kanyang sarili.

Marami pa rin naman daw siyang dapat gawin at ma-accomplish sa taong ito. Kailangan lang daw ay maging realistic, at hindi kailangan mag-alala sa mga sasabihin ng ibang tao.

Basta gusto lang ni Janice na maging positive at more work sa taong ito na umpisa pa lang ng palabas niyang Be My Lady na pinangungunahan nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na may isyu na agad dahil kasama rin sa cast si Priscilla Meirelles-Estrada ang present wife ni John Estrada.

Tinatawanan lang ni Janice ang intriga dahil ginagawang big deal ng mga tao ang pagsasama nila sa series ni Priscilla, samantalang wala namang gap ang dalawa. Dahil wala pa sa picture si Priscilla nang maghiwalay sila ni John.

Nagkataon din na sa bagong palabas nila sa Kapamilya Network ay siya ang nanay ni Erich at si Priscilla naman ang mother ni Daniel. Wala namang tinatanggihang katrabaho si Janice, lalo’t artista siya sa magandang team up nina Daniel at Erich na nakakahawa raw sa mga kiligang eksena.

Naitanong rin kay Janice sa interview kung anong klase siyang nanay sa kanyang mga anak. Aminado si Janice na naninigaw din siya tulad ng mga ordinaryong nanay.

Kahit nga raw hanggang kalsada ay dinig ang boses niya kapag nakikipagtalo sa kanyang mga anak.

Gusto lang niyang laging nagpapaalam ang mga anak kung saan sila pupunta. Mayroon din siyang curfew sa mga bata. Kahit pa raw hindi maiwasan na ikinukumpara si Janice sa ibang nanay. Ipinaliliwanag lang niya sa mga bata na nagkataon lang hindi siya ang nanay ng mga kaibigan or classmates nila.

Samantala, isa si Janice sa nalungkot at nakiramay sa pagpanaw ni German Moreno na sinaluduhan niya dahil sa dedikasyon at pagmamalasakit nito sa industriya.

vuukle comment

ANG

BE MY LADY

DANIEL MATSUNAGA

ERICH

ERICH GONZALES

GERMAN MORENO

JANICE

LANG

MGA

NBSP

PRISCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with