^

Pang Movies

Kumita naman kaya? Pelikula ni Matteo sa social media lang nagpaparamdam

Jun Nardo - Pang-masa

Ipapalabas na pala ang movie ni Matteo Guidicelli. Aba, sa social media lang namin nababasa ito, huh!

Eh sa hitsura ni Matteo, hindi naman siya mukhang blacksheep, huh! Ang amo nga ng hitsura niya na bakas sa poster ng movie.

Kung blacksheep si Matteo, goodbye na siya kay Sarah Geronimo, huh!

‘Wag naman sanang first day, last day sa sinehan ang pelikulang ito ni Matteo, ‘no?

Kahit nag-sorry na Direk Cathy hindi pa rin makakuha ng simpatya

Nakipag-dialogue na pala ‘yung ekstra na namura ni Direk Cathy Molina Garcia, si Alvin Campomanes na nag-post sa kanyang Facebook account.

Ayon kay Campomanes, “The dialogue with ABS-CBN yesterday ended well. It was cordial, enlightening, and sincere. I am posting a statement on the issue soon.”

Nagbigay na ng kanyang side si Direk Cathy tungkol doon. Gayunpaman, mas marami pa ring negatibong reaksyon kesa positibo, huh!

Pasalamat na lang si Alvin at pinan­sin ang reklamo niya, huh!

John naglipat-bahay

Lipat-bahay muna ang magaling na aktor na si John Arcilla sa Kapuso network. Kinuha siyang lumabas na stepfather ni Barbie Forteza sa primetime series na That’s My Amboy kung saan balik-tambalan sila ni Andre Paras after ng success ng The Half Sisters.

Mainstays ng mga show sa Channel 2 si John bago kuminang ang pangalan sa pelikulang Heneral Luna na isang historical movie na kumita last year. Eh wala pa marahil proyekto si John sa kabilang istasyon kaya sinunggaban muna niya ang programa.

‘Yun nga lang, mukhang light lang ang role ni John kumpara sa nagawa niya na heavy drama, huh!

Kaya pinakasalan agad Argentinian na ‘asawa’ ni Solenn, nagselos daw kay Derek

Ay, may intriga kaya agad itinali (na itinanggi naman) si Solenn Heussaff ng boyfriend na Argentinian na si Nico Bolzico.

Eh, ginagawa pa noon nina Derek Ramsay at Solenn ang Love Is Blind bago sila nagpakasal ng boyfriend.

Eh, sa nakaraang interviews ni Derek, sa mga naging showbiz girlfriends niya, mas matimbang sa lahat si Solenn kumpara kay Angelica Panganiban, huh! Baka mahulog muli ang loob ni Solenn kay Derek kaya hayun, hindi na pinakawalan ni Nico ang seksing aktres!

So matapos ang tawag ni Solenn na celebration of u­nion sa naganap sa kanila ni Nico bago matapos ang taon, ang wedding sa simbahan ang susunod na magaganap sa kanila para tuluyan nang walang kawala ang partner, huh!

Naku, intriga lang ‘yan, huh! Teka matanong nga riyan si Solenn!

vuukle comment

ACIRC

ALVIN CAMPOMANES

ANDRE PARAS

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

ARGENTINIAN

DEREK

DIREK CATHY

HUH

MATTEO

SOLENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with