^

Pang Movies

Lahat ng isyu nasagot na kasi maraming Pinoy hindi na raw excited sa pag-uwi ni Pia

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Darating na raw sa Pilipinas ang nanalong Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Inuna kasi niyang magtungo sa New York para gampanan ang kanyang tungkulin sa Miss Universe kaysa sa karaniwang ginagawang pag-uwi muna ng isang nanalong beauty queen sa bansa para siya maparangalan.

Siguro kung dumating siya matapos na manalo, baka puno ang mga kalye ng mga sasalubong sa kanyang motorcade.

Ngayon na parang nawala na ang usapan tungkol sa kanyang kontrobersiyal na panalo, ewan namin kung ano ang magiging pagtanggap ng publiko. Baka hindi na ganoon ang excitement dahil maski nga ang mga nasa media, ang usapan ay “wala nang maitatanong sa kanya. Nasagot na niyang lahat sa kanyang mga foreign interviews”.

Kung ganoon nga ang mangyayari, kawawa naman si Pia. Na-miss na nga niya ang traditional na “victory walk”, mami-miss pa niya ang traditional na salubong sa mga beauty queens

Lamay ni Kuya Germs parang Star Olympics sa rami ng artista

Ano ba iyan, parang nagkaroon ng isang stand still sa showbiz dahil sa pagyao ni Kuya Germs.

Ang mga tribute sa kanya ang laman ng halos lahat ng mga shows sa lahat noong mga active te­levision channels. Maski nga iyong congressional hearing tungkol sa Metro Manila Film Festival mukhang lumamig at hindi napag-uusapan, samantalang dati iyon ang top story.

Kung maghahanap ka naman ng mga artista, halos lahat sila ay nasa wake rin ni Kuya Germs, at ano nga ba ang makukuha mong balita sa kanila kundi ang kanilang pakikiramay.

Ang usapan nga namin ng ilang kasamahan doon, mukhang ngayon lang nagkaroon ng ganoon kalaking gathering ang mga artista, mula sa mga pinakasikat hanggang sa mga pinakabaguhan.

Mula doon sa mga bagong sibol pati na iyong mga retired na. Nagkakaroon lang ng ganyan kalaking ga­thering ng mga stars noong may Star Olympics pa noong araw.

Tapos noon hindi na naulit iyon. Maging iyong mga awards night hindi naman ganoon karami ang mga artista. Nagmukha ngang kakarampot ang mga artista noong film festival, kung ikukumpara mo sa naging gathering para kay Kuya Germs.

Sinasabi nga ng kanyang anak na si Fede­rico, “gusto ni papa iyang ganyan. Very Kuya Germs,”.

Oo nga naman dahil kung may mga special shows siya noong araw sa telebisyon, gusto ni Kuya Germs iyong lahat halos ng artista ay naroroon. Kaya nga nasimulan na iyong kanyang birthday celebration ay hindi lamang isang linggo, kung ‘di isang buwan para magkaroon ng pagkakataon ang lahat na batiin siya. Basta kasi birthday niya, dumadagsa ang mga artista.

Bagama’t noong una ay emotional ang lahat, noong bandang huli ay nagkakatawanan na sa tuwing maaalala ang kanilang mga funny moments kasama ang Master Showman.

Natatandaan ng mga alaga niya noong araw sa That’s Entertainment kung papaanong nag-aabot sa kanila si Kuya Germs ng five hundred pesos, kahit na sikat na sila at kumikita na nang malaki.

Hindi nga ba si Regine Velasquez ay talagang humihingi sa kanya ng one thousand basta naging guest sa kanyang show. Hindi naman nila kailangan iyon pero naging katuwaan na nga lang.

Kalat na male star umaariba ang scandal

Pahabol lang na tsismis. Pinag-uusapan nila ng panibagong scandal ng isang male star na kumakalat na rin sa internet. Hindi pa namin nakikita pero may nangako sa amin na ipapadala niya ang kopya ng nasabing scandal video.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTISTA

HINDI

KUNG

KUYA GERMS

MGA

MISS UNIVERSE

NGA

NOONG

STAR OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with