^

Pang Movies

Anak ni AiAi matagal nang pinapantasya si Kylie

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi gustong makilala bilang ko­medyante ng anak ni AiAi delas Alas na si Sancho delas Alas, dahil mas feel daw nitong maging dramatic actor.

Mahirap daw kasing pantayan ang kanyang ina na kilala bilang Comedy Queen.

“Gusto ko si Mama na lang ang komedyante sa pamilya namin.

“Mahirap kasi dahil maku-compare ako kay Mama kapag pinasok ko rin ang comedy.

“Sasabihin nila na magaling ang nanay mo sa comedy, kailangan magaling ka rin.

“Ayoko pong ma-pressure dahil doon. Kaya mas gusto kong mag-drama. Though gusto ko rin naman subukan ang comedy balang-araw,” ngiti pa ni Sancho.

Kasama si Sancho sa afternoon teleserye na Wish I May na pinagbibidahan nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Kung makakapili ng ka-partner si Sancho, type daw niya si Kylie Padilla.

“Matagal ko nang crush si Kylie,” diin niya.

“I saw her noon pa. Na-mesmerized na ako sa ganda niya.

“Kasama ko si Mama noon sa elevator. Noong magbukas ang elevator, bumungad si Kylie at ang sister niyang si Queenie.

“Binati nila si Mama. Ako naman natulala ako kasi ang ganda nila.

“Tinanong ko si Mama kung sino sila? Sagot ni Mama na anak sila ni Robin Padilla. Nakatrabaho kasi ni Mama si Robin sa pelikula kaya niya nakilala sila Kylie at Queenie.

“Kaya simula noon, si Kylie na ang crush ko talaga.

“It would be nice kung makatrabaho ko siya balang-araw,” pagtapos pa ni Sancho delas Alas.

Seth Rogen at Channing Tatum bet din Pia umaming hindi lang si James Franco ang crush

Inamin ni Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang interview sa programang Entertainment Tonight correspondent ni Nischelle Turner na ang kanyang celebrity crush ay walang iba kundi si James Franco.

Nakarating nga sa 37-year-old Oscar-nominated actor ang sinabi na iyon ni Pia, kaya nag-post ito sa kanyang Facebook/Instagram page na may photo ni Pia noong manalo siya sa Miss Universe sa Las Vegas at photo niya na nakataas ang kanyang mga kamay.

“I [heart] the Philippines! I [heart] 2 @missuniverse!” caption pa ni James.

Nakakuha ang post niyang ito ng higit sa 20,000 likes.

Single pa rin si James Franco kahit na nai-date na niya ang ilang Hollywood actresses tulad nila Sienna Miller, Ahna O’Reilly, Ashley Hartmann, Agyness Deyn, and Marla Sokoloff.

Nabalita ring na-date niya sina Lana del Rey, Lindsay Lohan, Amanda Seyfried, and Game of Thrones star Emilia Clarke.

Nabanggit din ni Pia na crush din niya sina Seth Rogen at Channing Tatum.

Tatlong kanta nanguna Justin Bieber gumawa ng history sa British singles chart

Gumawa ng isang historic first sa Bri­tish singles chart ang pop idol na si Justin Bieber.

Tatlong spots nga ang nahawakan ni Bieber.

Nasa number one pa rin on its 5th week ang kanyang single na Love Yourself at nasundan ito at number 2 ng single niyang Sorry at nasa number 3 spot naman ang single niyang What Do You Mean.

“It’s the first time an artist has ever achieved the feat in the history of the official charts, having previously hit the incredibly rare milestone of holding spots one and two with ‘Love Yourself’ and ‘Sorry’,” ayon pa sa Official Charts Company.

Galing ang tatlong singles sa album ni Bieber na Purpose.

Ang huling artist na nagkaroon ng tatlong singles sa Top Five ay ang Beatles legend na si John Lenon.

In 1981, nagkasunod sa top charts ang mga singles niyang Imagine, Happy Xmas (War Is Over) and (Just Like) Starting Over.

vuukle comment

ACIRC

AGYNESS DEYN

AHNA O

AMANDA SEYFRIED

ANG

CHANNING TATUM

JAMES FRANCO

JUSTIN BIEBER

LOVE YOURSELF

NIYA

SETH ROGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with