^

Pang Movies

Hairstylist na galing sa maimpluwensiyang pamilya tumataginting na P150-K ang singil nang ayusan ang sikat na female star

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Shocked daw ang anak ng isang may-ari ng beauty clinic sa sobrang mahal na singil ng isang hairstylist para sa endorsement shoot ng isang sikat na female star.

Dahil sa mahal na singil, gusto sana ng anak ng may-ari ng beauty clinic na kumuha na lang ng ibang hairstylist para mas makatipid sila. Pero hindi naman daw umubra.

Hindi kasi puwedeng palitan si hairstylist dahil anak ito ng isang taong matindi ang impluwensiya sa career ni sikat na female star!

Parang istorya lang ‘yan ng isang gay make-up artist na dahil siya ang favorite ng isang star na kahit nasa mundo na rin ng pulitika ay pinag-aagawan pa rin ng advertisers, nagawang maningil ni gay make-up artist ng P150,000 sa advertising agency para sa isang araw lang ng commercial shoot.

Walang nagawa ang advertising agency sa napakataas na talent fee ni gay make-up artist dahil sa kanya lang komportable ang sikat na actress/politician!

Regine nag-iisang Kapuso sa Royals

Start na ng promotions ng Royals, ang pre-Valentine show nina Martin Nievera, Angeline Quinto, Erik Santos at Regine Velasquez-Alcasid.

Napansin ng fans na nag-iisang GMA 7 artist si Regine sa concert na ‘yon dahil pare-parehong ABS-CBN talents sina Martin, Angeline at Erik.

Sabi ng fans, kung totoo pala noong una ang tsikang may offer ang ABS-CBN kay Regine at lumipat doon ang Asia’s Songbird, dapat pala ay pare-parehong Kapamilya ang apat na stars ng Royals, pero as we all know, imposible ngang mangyari ‘yon dahil kapipirma lang sa Kapuso network ng misis ni Ogie Alcasid.

Anyway, as always, tutok na tutok sina Regine at Martin sa lahat ng aspeto ng Royals.

Pati sina Erik at Angeline ay tutok din sa concert na ito.

Mar inaasahang eepal sa pagdating ni Pia?!

Babalik na nga ng bansa si Pia Alonzo Wurtzbach sa January 23.

Excited na ang media sa kanyang presscon na gaganapin daw sa Smart Araneta Coliseum sa January 24.

Magkaroon kaya ng eksena ang presidentiable na si Mar Roxas sa presscon na ‘yon?

May eksena rin kaya ang misis ni Mar na si Korina Sanchez-Roxas?

Remember, Mar country ang Araneta Center sa Cubao dahil pamilya ni Mar ang may-ari ng lugar na ‘yon.

Magandang exposure for Mar kung darating siya roon, pero tiyak na may mga kokontra!

Teka! I-endorse kaya ni Pia ang kandidatura ni Mar sa pagka-presidente bilang pakikisama sa mga Araneta-Roxas na siyang namamahala sa Binibining Pilipinas Charities, Inc.?

Well…

Sa January 25 naman gaganapin ang grand parade ni Pia.

At pinaghahandaan na ito ng lahat!

Ang mga bading, kanya-kanya tiyak ang magiging eksena sa parade.

Asahan din na may mga magdadamit na parang mga beauty queen din.

Sobrang excited ang lahat dahil after 42 years nga naman at saka tayo nagkaroon ng pinakabagong Miss Universe.

Ang hiling lang ng marami, sana samahan daw nina Gloria Diaz (Miss Universe 1969) at Margie Moran-Floirendo (Miss Universe 1973) sa parade si Pia.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANGELINE QUINTO

ARANETA CENTER

BINIBINING PILIPINAS CHARITIES

DAHIL

LEFT

MISS UNIVERSE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with