^

Pang Movies

Heart nagpipinta na rin sa mga damit!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ready nang maging mommy si Heart Evangelista pero tatapusin muna niya ang elek­syon para makatulong siya sa kampanya ng kanyang loving husband na si Senator Chiz Escudero.

Plano na nina Heart at Papa Chiz na magkaroon ng baby sa 2017 kaya inihahanda na ng aktres ang sarili.

Tutulong si Heart sa campaign ni Papa Chiz, basta walang conflict sa kanyang schedule dahil may mga commitment din siya. Ang fashion show nila ng designer na si Mark Bumgarner ang isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Heart.

Si Mark ang nag-execute ng mga one-of-a kind dress at si Heart ang nagpinta sa mga tela. Napapakinabangan talaga ni Heart ang talent niya sa painting dahil bukod sa Hermes bags, nagpipinta na rin siya ng mga damit.

Magkakaroon sila ng fashion show ni Mark na Mark Bumgarner X Love Marie sa January 18 sa Dusit Thani Hotel for the benefit of Thalassemia Association of the Phils and Corridor of Hope.

Mama Susan, suportado ng lahat ng political party

Sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang dalawa sa mga artista na hinahangaan ng senatoriable na si Susan Ople. Pinapanood ni Mama Susan ang mga pelikula nina John Lloyd at Sarah.

Tulad ng ibang mga nangangarap na mahalal na senador, nangako si Mama Susan ng tulong sa local movie industry.

Nakakatuwa na malaman na suportado ng halos lahat ng mga political party ang senatorial bid ni Mama Susan na number one advocacy na matulungan ang overseas Filipino workers o OFW’s.

Dennis nag-react sa family picture ni Marjorie

Hindi ko pa nakikita ang pinag-uusapan na family picture ni Marjorie Barretto at ng kanyang mga anak.

Nalaman ko lang ang isyu dahil tinanong si Dennis Padilla ng mga reporter na dumalo sa presscon ni Mama Susan Ople.

Game na game na sinagot ni Dennis ang intriguing question dahil personal na nakita niya ang litrato na kuha sa Amerika.

Ang sey ni Dennis, apat lang ang anak niya sa family picture, sina Daniela, Julia, Claudia at Leon at hindi niya kilala ang bagets na kasama.

Ginagabayan ng inang pinatay Pastillas Girl hindi na bina-bash

Artista na ang Pastillas Girl na si Angelica Yap dahil talent na siya ng Viva Artists Agency.

Excited na si Angelica sa mga mangyayari sa kanyang showbiz career at happy siya sa oportunidad na ibinigay ng Viva Films at Viva Artists Agency.

Kahit talent na siya ng VAA, puwede pa rin na lumabas si Angelica sa shows ng ABS-CBN. Hindi pa nalulutas ang kaso ng pagpatay sa ina ni Angelica Yap.

Hanggang ngayon, nag-iimbestiga pa rin ang NBI at hoping si Angelica na magkakaroon ng hustisya ang pagpaslang sa nanay niya.

Naniniwala si Angelica na ginagabayan siya ng kanyang ina. Napansin niya na hindi na siya biktima ng bashing at marami ang nakikisimpatiya sa kanya mula nang maulila siya sa ina.

vuukle comment

ALIGN

ANG

ANGELICA YAP

LEFT

MAMA SUSAN

MGA

PAPA CHIZ

PASTILLAS GIRL

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with