^

Pang Movies

Benjie botong-boto sa girlfriend ni Kobe

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No problem kay Benjie Paras, nang after ng presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films, na sila ni Candy Pangilinan ang bida sa episode na Bala sa Bala, Kamao Sa Kamao, Satsat sa Satsat na dinirek ni Mark Meily, ang itinanong sa kanya ay tungkol sa dalawang anak na sina Andre at Kobe.

Masaya siya na parehong successful ang mga anak sa field na gusto nila.  Kahit parehong mahusay maglaro ng basketball, mas pinili raw ni Andre na mag-artista at mag-aral na muna, samantalang si Kobe na ang hinayaan nilang ipagpatuloy ang paglalaro ng basketball.

Biniro si Benjie kung may girlfriend na si Andre, si Barbie (Forteza) ba o si Yassi Pressman?

Pero happy siya na sa muling pagtatambal nina Barbie at Andre, mapapanood na sila sa primetime slot ng GMA 7, siguro raw dahil sa success ng afternoon prime nilang The Half Sisters.

Hindi raw siya nakikialam kung sino ang gusto ni Andre, pero si Kobe, very open daw sa kanila ni Andre na may girlfriend na siya, si Gabrielle Current at nakilala na raw niya ng personal, maganda at mabait daw si Gab.

Tulad ni Andre, hindi rin pinababayaan ni Kobe ang studies nito kahit naglalaro ng basketball at may lovelife.

AlDub fans sa Dubai, hindi na halos natulog para makita si Alden

Grabe ang mga AlDub Nation sa Dubai, hindi na natulog para masalubong lamang si Alden Richards nang dumating ang Pambansang Bae ng 12:08 am (4:08 am dito sa Pilipinas) noong Wednesday, January 6, sa Abu Dhabi International Airport.

Two hours ang land travel nina Alden at sinamahan na sila ng mga fans papuntang Dubai.

Nagkaroon daw ng chance na makatulog muna at makapagpahinga si Alden bago naman humarap sa mga fans para sa meet and greet, after lunch.

Ngayon pa lamang Thursday, January 7, ang show ni Alden na magaganap sa Dubai Tennis Stadium, ang Alden Richards Live In Dubai at 7:00 p.m.  Sa Friday naman ang Yaya’s Bae Goes To Qatar: Alden Richards Live In Doha na part pa rin ng 10th year celebration ng GMA Pinoy TV.

Regine excited nang maging robot

Ngayong formally nakapirma na ng two-year exclusive contract si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa GMA Network, excited na siyang masimulan ang pinakabagong proyekto sa GMA 7 na very interesting ang role niya na very character-driven ito.

“Yung character ko, is medyo cold, para siyang robot,” kuwento ni Regine.  “Here’s another character different from my personality.  I’m excited to do roles na character-driven.  Inihahanda na ito ng GMA Entertainment TV.”

Matagal na ring hindi gumawa ng drama series si Regine, ang huli pa niya ay I Heart You Pare na hindi niya natapos dahil nagbuntis na siya noon sa panganay nila ni Ogie (Alcasid).

Nang magsilang siya kay Nate, lalong hindi tumanggap si Regine ng drama series dahil gusto niyang personal na asikasuhin at palakihin ang anak.

Mga hosting jobs lamang ang ginawa niya plus ang cooking show niyang Sarap Diva every Saturday sa GMA 7.

vuukle comment

ABU DHABI INTERNATIONAL AIRPORT

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS LIVE IN DOHA

ALDEN RICHARDS LIVE IN DUBAI

ANDRE

ANG

BAE GOES TO QATAR

DUBAI

KOBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with