^

Pang Movies

Kahit busy sa pagiging Miss U Pia nagluksa sa namatay na kaibigan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit busy na sa kanyang media tour bilang Miss Universe si Pia Alonzo Wurtzbach, hindi nito nakalimutan na ipagluksa ang pagyao ng isang malapit na kaibigan.

Sa isang maramdaming post ni Pia sa Instagram noong nakaraang January 3, sobrang nalungkot ito dahil sa pagkamatay ng kanyang kaibigan na nagngangalang Gello Coferido.

Isang fashion stylist at theatre actor si Gello at isa ito sa mga nag-push kay Pia para sumali sa Bb. Pilipinas at maging sa Miss Universe.

“I will miss you.. We love you, @gelloconferido. I love you! Rest now, you’re with Him. I’m just so sad I won’t get to see you when I come home.

“This was our dream. Why, I keep asking myself why. But you were so strong and we should be strong too. Hay nako. Basta. Mahal ka namin. Maraming nagmamahal sayo,” caption pa ni Pia.

Samantala, officially nang nagsimula kahapon ang unang araw ni Pia bilang Miss Universe.

Nag-guest na siya sa morning shows sa U.S. tulad ng Good Mor­ning America kung saan na-interview siya ni Lara Spencer; at sa Live with Kelly & Michael kunsaan naka-one-one-one si Pia ng mga hosts na sina Kelly Ripa at Michael Strahan.

Pero hindi pa rin niri-reveal ang petsa ng kasal Pauleen proud na proud sa wedding invitation nila ni Vic

Abalang-abala naman ang best friend ni Pia Wurtzbach na si Pauleen Luna sa pag-asikaso ng nalalapit nilang kasal ng kanyang fiancé na si Vic Sotto.

Kaya naman proud na proud si Pauleen na i-post sa social media ang mga wedding invitation na pinagawa nila.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Pauleen sa nag-asikaso ng wedding invitations.

Wala pang nire-reveal si Pauleen o si Vic kung kelan ang exact date ng kanilang wedding.

Matagal ang pinagsamahan Mariah Carey apektado sa pagkamatay ni Natalie Cole

Isa sa sobrang naapektuhan sa pamamaalam ng R&B soul artist na si Natalie Cole ay si Mariah Carey.

Magkaibigan ang dalawa at hindi makapaniwala si Mariah na wala na si Natalie na namatay sa edad na 65.

“Beyond devastated to hear about the passing of the beautiful and talented Natalie Cole.

“My deepest condolences to her family and all who were blessed to know her. She will be terribly missed,” sey pa ni Mariah.

Naglabas nga si Mariah ng throwback photo nila ni Natalie na nakunan sa isang malaking event.

Sa naturang litrato ay natutuwang hinahawakan ni Natalie ang mukha ni Mariah.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GELLO COFERIDO

GOOD MOR

INSTAGRAM

MARIAH

MARIAH CAREY

MISS UNIVERSE

NATALIE

NATALIE COLE

PAULEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with