^

Pang Movies

New year’s countdown ng bagong TV5, dinumog

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – In fairness, dinumog ang New Year’s countdown ng new TV5 na ginanap sa Quezon City Memorial Circle na dinaluhan nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jasmine Curtis Smith, Derek Ramsay at iba pang Kapatid stars.

Masaya ang naturang event kung saan ay isinama pala ni Derek ang anak na si Austin. Marami ngang natuwa nang makita na kasa-kasama ni Derek ang anak na kung i-describe ng mga nasa nasabing event ay parang carbon copy raw ang anak.

Napansin din ng mga tao roon na sobrang close na ni Derek sa anak. Sa hitsura nga raw ni Austin ay puwedeng-puwede itong mag-artista.

Hindi na sukob Anne at Erwan pwedeng-pwede nang pakasal

Nakakatuwa ang ilang fans ni Anne Curtis na gustung-gusto para sa actress/TV host ang boyfriend na si Erwan Heussaff na brother ng kakakasal pa lang na si Solenn Heussaff.

Sabi ng ilan sa kanila, sana raw ay double wedding na lang ang naganap sa Argentina. Sana raw ay sumabay na rin sina Anne at Erwan kina Solenn at Nico Bolzico.

Buti na lang pala at simple lang ang suot ni Anne sa nasabing kasalan at baka sa excitement ng fans na magpakasal na rin sila ni Erwan ay natsismis pang double wedding nga ‘yon.

Anyway, puwede naman na ngayong 2016 magpakasal si Anne at ang boyfriend niya dahil hindi puwedeng sabihing sukob ‘yon dahil December 30, 2015 naman ikinasal si Solenn kay Nico, huh!

Actually, kung tatanungin mo ang mga kaibigan nina Anne at Erwan ay boto silang lahat na ang dalawa na ang magkatuluyan talaga dahil parehong suwerte raw sa isa’t isa ang mag-sweethearts.

Pero ang tanong -- kung sakaling maisipan nina Anne at Erwan na sundan na ang mga yapak nina Solenn at Nico, maging simple wedding din kaya ‘yung sa kanila? Bubulagahin din ba nila ang lahat katulad ng ginawa nina Solenn at Nico?

Well...

Luis at Angel, susunod nang pakakasal

Isa pang mag-sweethearts na hinuhulaang magpapakasal na ngayong 2016 ay sina Luis Manzano at Angel Locsin!

Actually, noong mapabalitang kakandidato sa pagka-mayor sa Lipa City, Batangas si Luis ay marami na ang nagdudang pakakasalan na ng TV host/actor si Angel para may first lady na siya, pero nagpahayag nga ang panganay ni Gov. Vilma Santos na hindi ito kakandidato sa 2016.

Pero may mga duda pa rin naman na sa 2019 ay papasukin na rin ni Luis ang mundo ng kanyang famous parents (ang tatay niyang si Edu Manzano ay kumakandidatong senador) at kailangan talaga niya ng first lady at mukhang sobra naman talaga ang pagmamahalan nila ni Angel na imposible namang hindi mauwi sa kasalan.

Actually, may iba nga na nang magpunta ang mag-sweethearts sa Las Vegas, Nevada kamakailan ay nagdudang baka magpapa-secret marriage na roon ang dalawa.

Anyway, ang maganda, hindi kontra ang mga tao kung magpakasal na sina Luis at Angel dahil bagay naman talaga sila sa isa’t isa!

 

vuukle comment

ANG

ANGEL LOCSIN

ANNE

ANNE CURTIS

DEREK

DEREK RAMSAY

EDU MANZANO

ERWAN

LUIS

NICO

SOLENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with