^

Pang Movies

MMFF posibleng kumita ng 1 billion!

Jun Nardo - Pang-masa

Umabot na sa P737-M sa walong araw ang kinita sa takilya ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 ayon sa pahayag ng MMDA Chairman Emerson Carlos.

Dagdag pa ni Chairman Carlos, baka umabot sa P1.01-B ang kita nito na sa January 7 ang last day ng showing ng walong entries.

Katwiran ni Atty. Carlos, hindi raw bu­mababa ang daily gross ngayon kumpara sa 2014 daily gross. Eh, nu’ng tanghali ng January 1, the total ticket sales reached P737-M, huh!

Ang My Bebe Love raw ang isa sa top-grossing films na inilahad sa FB ng MMFF. Kasama riyan ang movie ni Vice Ganda, ang Haunted Mansion at #WalangForever.

‘Yun nga lang, bigo pa rin ang fans na nag-aabang ng breakdown ng kinita sa takilya ng Top 4 films.

Pero nakakuha kami ng info na last January 2, more than P10-M muli ang kinita ng Haunted Mansion dito sa Metro Manila at sa probinsya, huh!

Eh, choice ‘yan ng 2015 MMFF Committee kung ayaw nilang maglabas ng figures, huh!

Sana nga lang, ‘yung beneficiaries ng taunang festival ay maambunan naman, huh!

TV5 Hinihintay kung makakalikha ng bagong Sarah G

Makalikha kaya ng bagong Sarah Geronimo ang soon to air na Born To Be A Star ng TV5?

As we all know, tanging si Sarah ang tunay na namayagpag ang career hindi lang sa pagkanta kungdi sa pag-arte rin sa lahat ng nanalo sa mga singing search na sumunod sa kanya, huh!

Kailangan pa bang isa-isahin kung sinu-sino sila?

Eh, one good thing sa mananalo sa search, pasok na siyang tiyak sa kuwarda ng Viva. Forte at passion ni Boss Vic del Rosario ang music kaya naman alam niya kung may future o hindi ang bagong singer, huh!

Anyway, isa ang BTBAS sa mga projects na mapapanood sa Kapatid Network mula sa Viva Entertainment. Si Ogie Alcasid ang magiging host ng programa.

Jackpot ang viewers ng show kung magiging guest si Sarah sa programa, huh!

Na-inspire kay Pia Gabbi sasabak sa training para sumali sa Bb. Pilipinas

Nakumbinsi yata ang Kapuso teen actress na si Gabbi Garcia na sumali na sa beauty pageant.

Naging inspirasyon daw niya ang ating Miss Universe na si Pia Wurtzbach kaya naman ngayong taon ay magti-training na siya’t maghahanda sa susunod na Binibining Pilipinas-Universe.

Hindi rin itinatanggi ni Gabbi na pangarap niyang maging Miss Universe balang araw. Pero kaila­ngang paghirapan din niya ‘yun para makamit ang titulo.

‘Pag natuloy si Gabbi, siya ang third Kapuso actress na sasali sa Bb. Pilipinas pageant.

Una rito si Rich Asuncion na runner up lang ang puwesto at panga­lawa si Winwyn Marquez na ‘di rin pinalad.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG MY BEBE LOVE

BINIBINING PILIPINAS-UNIVERSE

BORN TO BE A STAR

BOSS VIC

CHAIRMAN CARLOS

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

GABBI

HAUNTED MANSION

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with