^

Pang Movies

AlDub Nation parang Noranians and Vilmanians noon

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang international screenings ng My Bebe Love nina Vic Sotto, AiAi delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza.

Hindi nga lang sa ‘Pinas mapapanood ang nasabing Metro Manila Film Festival 2015 entry dahil coming soon ito sa iba’t ibang mga bansa.

While in Dubai, nakita ko pang naka-display ang poster ng My Bebe Love sa VOX Cinemas sa City Center Mall.

Maraming mga Pinoy sa Dubai at matindi raw ang following ng AlDub, kaya hindi imposibleng na isa ‘yon sa paglalabasan ng My Bebe Love.

Samantala, nangako raw ang AlDub Nation na magdo-double-time sila sa panonood ng My Bebe Love para hindi ito maabutan ng pelikulang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin.

Medyo dumidikit na kasi sa kita ng My Bebe Love ang pelikula nina Vice at Coco, kaya ang AlDub Nation, paulit-ulit na pinanonood ang My Bebe Love.

May ibang fans nga ng AlDub na kilala ko na pati ang household helps nila ay isinamang manood para masigurado lang na pala­ging nasa number one position sa MMFF 2015 ang My Bebe Love.

Noong araw na matindi ang kumpetisyon nina Nora Aunor at Vilma Santos, ganoon din ang eksena, ayaw magpatalbog ng Noranians sa Vilmanians, kaya paulit-ulit din nilang pinanonood ang pelikula ng kanilang mga idolo.

Mariel wini-wish maging regular sa Showtime

May fans si Mariel Rodriguez na ang pangarap ay maging regular host na ng It’s Showtime ang misis ni Robin Padilla.

Positive naman kasi ang feedback sa pagge-guest co-host ni Mariel (pati ni Amy Perez) sa nasabing noontime show ng ABS-CBN.

Noong absent nga sa It’s Showtime ang ibang regular hosts, naka-survive naman ‘yon dahil parehong nandoroon sina Mariel at Amy.

Eh, dahil balik-Kapamilya network na si Mariel, kaya type sana ng kanyang supporters na maging regular na nga siya sa It’s Showtime.

Si Amy naman kasi, may regular daily show, ang Umagang Kay Ganda, kaya parang hindi naman ito puwedeng maging regular talaga sa It’s Showtime.

Ruffa nagoyo na naman si Annabelle

Balik-Manila na si Ruffa Gutierrez noong New Year’s Day mula sa ilang araw na pag-e-enjoy sa Palawan.

Kung matatandaan, naisulat ko na sa lugar na ‘yon napili ni Ruffa na salubungin ang pagdating ng 2016 kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice.

Ang original plan ni Ruffa ay sumama sana sa Hong Kong kung saan sinalubong naman ng parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, mga kapatid na sina Richard at Elvis, pati nina Sarah Lahbati, Baby Zion, Alexa (misis ni Elvis), Baby Aria, at iba pa ang 2016.

Nagbago ng desisyon si Ruffa at naisipang sa Palawan na lang mag-New Year kasama ang mga anak.

Pero sa ilang photos na pinost ni Ruffa sa kanyang social media accounts, lumabas na kasama rin pala niya roon ang boyfriend na si Jordan Mouyal.

It turned out na umuwi rin pala ng ‘Pinas si Jordan after na mag-Christmas sa Paris, France.

Eh, noong una pa naman, tuwang-tuwa si Bisaya sa pagkukuwento na wala sa ‘Pinas si Jordan. Alam kaya niyang bumalik ng bansa ang binata para makasama si Ruffa noong New Year”s eve?

Well...

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

AMY PEREZ

ANG

ANNABELLE RAMA

BABY ARIA

MARIEL

MY BEBE LOVE

NEW YEAR

RUFFA

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with