^

Pang Movies

John Lloyd gustong basagin ang pag-ayaw na sa paggawa ng pelikula ni Eugene

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagpapasalamat si Eugene Domingo kay John Lloyd Cruz sa sinabi ng actor na wish niya itong makatrabaho.

Binanggit ni John Lloyd sa Fast Talk portion ng Tonight with Boy Abunda bago matapos ang taon ng 2015 ang nasabing wish niya.

Mabali kaya ni Lloydie ang promise ni Eugene na hindi na siya gagawa ng  movie dahil hindi naman pinapanood ng mga tao ang movie niya kahit gaano kaganda at katino na ang pinakahuli ay ang Barber’s Tales.

Siguro naman hindi na magpapaka-choosy si Eugene at hindi na ito magdadalawang isip kung si John Lloyd mismo ang nagri-request na makatrabaho siya.

Tiyak na ngayon pa lang ay marami nang nag­lalarong istorya para kina Lloydie at Eugene ng interesadong producer.

Hindi na rin mangangamba tiyak si Eugene kung papanoorin ng tao ang movie niya, kung si Lloydie ang kasama nito na subok na ang hatak sa takilya.

Nauna nang sinabi ni John Lloyd na gusto niyang makipag-collaborate sa iba pang artist ma­ging sa mga bagong artista o senior actors, directors, at iba pang talents kahit pa hindi niya ka-network.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINANGGIT

BOY ABUNDA

EUGENE DOMINGO

FAST TALK

HINDI

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LLOYDIE

MABALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with