^

Pang Movies

Aktres peke ang pagiging madatung ng karelasyon

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Happy New Year!

Maging happy kaya ang 2016 ng isang aktres na muling umiibig?

May mga natuwa nang malamang may lovelife na uli si aktres. Sa napakarami kasing nakarelasyon ni aktres, kasama na ang napangasawa niyang aktor, puro failed relationship ‘yon at nag-e-end up sa wala.

Pero lately nga, palagi na namang masaya si aktres dahil may boyfriend na nga siya uli.

Ang iba, akala ay suwerte si aktres sa bagong boyfriend dahil mukhang financially stable naman si lalaki, pero may nagtsikang hindi naman daw talaga ganoon kayaman ang bagong boyfriend ni aktres para tuluyan na siyang maiahon sa paghihirap.

Image lang daw ang maganda sa bagong karelasyon ni aktres.

Eh, ang friends ni aktres, ang pangarap para sa kanya ay ang makakuha siya ng bukod sa matinong lalaki ay ‘yung financially stable na para matustusan ang kanyang mga pangangailangan dahil hindi rin naman nakaipon talaga si aktres dahil hindi nga siya marunong humawak ng pera noong sobrang laki pa ang kanyang kinikita.

Kapag wala ngang regular TV series si aktres ay halos wala siyang pera dahil wala naman talaga siyang mala­king ipon katulad ng mga kasabayan niya noon.

Sa tuwing may mga kaibigan nga pala si aktres na nagtatanong kung bakit hindi siya humanap ng lalaking bukod sa guwapo na at madatung talaga, ini-insist niya na hindi naman talaga siya materia­listic na tao.

Noong araw nga na bata-bata pa si aktres ay may politician na mahilig makipagrelasyon sa mga artista ang nanligaw sa kanya.

Gamit-gamit na ni aktres ang mamahaling kotse ng pulitikong manliligaw, pero nang ma-sense ni lalaki na hindi naman nito maikakama si aktres, binawi na lang nito ang mamahaling kotse na ipinapagamit kay aktres.

Solenn at asawa, matagal nang binalak ang  naganap na kasalan

Humabol sa big news ng 2015 ang pagpapakasal ni Solenn Heussaff sa fiancé niyang si Nico Bolzico sa Argentina.

Hindi naman inililihim ni Solenn ang pagiging engaged nila ni Nico at in-announce naman niya ang tungkol doon, pero nag-decide ang singer/actress na huwag magkuwento tungkol nga sa plano lang pagpapakasal.

Sa mga interview nga kay Solenn ay madalas sabihin ng singer/actress na sasambulat na lang daw ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Nico na nangyari na nga.

Samantala, masaya ang mga kaibigan nina Solenn at Nico sa kanilang pagpapakasal dahil sobrang mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Sa mga kuwento nga ng mga kaibigan ng mag-asawa, may mga negosyo na nga raw na magkasos­yo sila.

vuukle comment

ACIRC

AKTRES

ALIGN

ANG

LEFT

MGA

NAMAN

NGA

NICO

QUOT

SOLENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with