^

Pang Movies

Balikan nina Guy and Pip, wala nang urungan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kailan lamang natapos ang seryosong drama serye na Beautiful Strangers na nagtampok kay Christopher de Leon, kasama sina Lovi Poe at Heart Evangelista, pero ngayon papasok naman siya sa family serye na Little Nanay na pinangungunahan ni Nora Aunor.

Last Monday ay nag-taping na si Boyet ng mga eksena niya at masayang-masaya raw sa set.  Kanya-kanyang post sa kani-kanilang Instagram account ang mga kasama sa taping dahil matagal-tagal na rin at ngayon lamang muling magkakasama sina Papa Boyet at Mama Guy. 

Siyempre pa, ang tuwang-tuwa ay ang director na si Ricky Davao dahil hindi niya in-expect na pagsasama-samahin sa kanyang serye ang mahuhusay na actor, Nora Aunor, Christopher de Leon, Bembol Roco at Eddie Garcia.

Bagong shows ng GMA, nakahilera na

January 1 na nga today, kaya nag-release na ang GMA Network ng coming productions nila sa first quarter ng 2016, dahil sa marami namang magtatapos na drama series ngayong first two weeks ng January. 

Mauuna ang The Half Sisters nina Barbie Forteza at Andre Paras na matatapos sa January 15 at papalitan ito ng Wish I May nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa January 18.

Dahil sa nag-click ang team-up nina Barbie at Andre binigyan agad sila ng follow-up series, ang That’s My Amboy at magsisimula na ito sa January 25. 

Kung hindi kami nagkakamali, sila ang papalit sa primetime top rating show na MariMar na magtatapos na sa January 22.

Tuloy na rin ang team-up nina Bea Binene at Derrick Monasterio sa The Abandoned na ididirek ni Laurice Guillen sa February 8. 

Papalitan nila ang Buena Familia na matatapos sa Febuary 5. 

Magiging dalawa ba ang shows ni Eugene Domingo sa GMA 7, dahil may bago siyang show, ang Dear Uge na siya ang magho-host, simula sa February 14.

At sa February 27, ilo-launch ang bagong show na Lip Sync Battle na iho-host nina Michael V at Iya Villania, na akala ng iba ay sina Alden Richards at Maine Mendoza ang magho-host, dahil kilala pareho silang nagda-dubsmash sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANDRE PARAS

ANG

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

BEAUTIFUL STRANGERS

LEFT

NORA AUNOR

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with