^

Pang Movies

Pelikula ni John Lloyd nakapuntos na rin sa mga probinsya

Jun Nardo - Pang-masa

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Tapos na ang 2015 pero hindi parin tapos ang baliktaktakan sa diskuwalipikasyon ng Honor Thy Father.  Lumutang tuloy ang reklamo tungkol sa hindi pagbibigay sa beneficiaries ng MMFF, huh!

Pero kung may magandang naidulot ng kontrobersyang ito, hayun at hanggang sa probinsya, dumami ang sinehang pinagpapalabasan ng John Lloyd Cruz movie, huh! Nagkaroon ng bandwagon ng curious na mga taong gustong mapanood ang pelikula.

Eh sana nga lang, masolusyunan ang kontrobersiyang ito at hindi ‘yung after ng last day ng festival eh, kasabay nitong maglaho ang mga ipinaglalaban, huh!

Alden dapat mamili ng mga kaibigan, alagaan din sana ng tama ang career

Nananawagan ang ilang members ng AlDub Nation na bigyan ng surprise birthday gift si Alden Richards bukas, January 2, ang birthday ng Pambansang Bae.  Bilang regalo raw, pakitain ng P100-M ang festival movie nitong My Bebe Love, huh!

Eh, malabo mang makamit ang sorpresang ito ng AlDub Nation, sigurado namang magpapasalamat si Alden sa followers nila ni Maine Mendoza. Tiyak naman ito na ang pinakamaligayang kaarawan niya for obvious reasons!

Pero kahit patuloy pa ring mabenta ang career, the next thing na dapat gawin ni Alden ay alagaan ang kanyang career. Madaling sumikat pero ‘yung ma-maintain ito ay mahirap, huh!

Habang patuloy ang pagsikat niya, mas maraming taong didikit sa kanya. So piliin din dapat ni Alden ang mga taong nakapalibot sa kanya, huh!

Anyway, happy, happy birthday, Alden!

          

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

HONOR THY FATHER

JOHN LLOYD CRUZ

LEFT

MAINE MENDOZA

MANIGONG BAGONG TAON

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with