^

Pang Movies

Sen. Grace manas na sa mga ‘pambubugbog’

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi nagkulang si Ms. Susan Roces sa pangaral sa kanyang anak na si Sen. Grace Poe tungkol sa mga hamon ng buhay kaya naman kumpyansa siya na malalampasan din nito ang mga pinagdadaanan ngayon sa politika.

Sa isang panayam sa isang pahayagan, sinabi ni Grace na malakas ang loob niya na lumaban sa mga problema dahil ganoon siya pinalaki ng movie royalties na sina Tita Susan at Da King Fernando Poe Jr.

“Growing up, I’ve had many struggles. But my Mom always tells me, ‘magdasal ka, magtrabaho ka at tibayan mo ang loob mo,’” ani Grace patungkol kay Tita Swanie.

“Even when I was a child, she was never over protective because she believes that a healthy dose of disappointment can build character,” dagdag pa ng senadora na tumatakbong pangulo katambal si Sen. Chiz Escudero.

Lalo nga raw tumatapang ang anak ni Da King sa gitna ng mga panggigipit ng mga kalaban sa pulitika.

“Pag masyado kang binubugbog, mamamanas na rin ang mukha mo. Ang dasal ko lang ay ito — na maging matapang ako pero ‘wag mawala ang aking pagiging sensitibo sa pangangailangan ng nangangailangan,” sabi ni Grace.

DongYan tamis-tamisan ang 1st wedding anniv

Noong Dec. 30 (Wednesday) ang first wedding anniversary nina Dingdong Dantes and Marian Rivera. Kasabay nito ay binati ng mag-asawa ang isa’t isa sa kani-kanilang Instagram account,

Nag-post si Marian ng wedding picture nila ni Dindong at sa caption ay nakasaad ang: “Ang sarap alalahanin ang araw na ito kung saan sa harap ng Panginoon, ikaw ay aking pinangakuang mahalin, aalagan, at pagsilbihan hangga’t ako’y nabubuhay- sa hirap at ginhawa.”

“Isang biyaya ng pagmamahalan na habambuhay kong ipagpapasalamat. Happy Anniversary Mahal ko. I Love You.”

Si Dingdong naman ay nag-post ng picture ni Ma­rian noong wedding day nila at sa caption ay inilagay niya ang lyrics ng kanta niyang Mestizang Caviteña na inawit niya sa kanilang kasal a year ago.

Sa dulo ay nakalagay naman ang “Happy anniversary my love!”

A year after their wedding, tatlo na sila ngayon dahil nga mayroon na silang pagkacute-cute na baby na si Maria Letizia.

Arjo minamani lang ang pagiging psychotic

Umalis noong Dec. 29 si Arjo Atayde kasama ang buong pamilya kabilang ang inang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Ria Atayde para mag-spend ng New Year sa Dubai.

Kahit may kasalukuyan siyang teleserye, ang Ang Probinsyano, pinayagan naman siya ng Dreamscape to spend some time off, gayundin ang ina at younger sister na pinayagan din ng Ningning wherein they’re part of the cast.

Sa first week of January ay babalik na sila in time naman para sa last few episodes ng Ningning nina Sylvia and Ria.

Pero bago umalis si Arjo ay nakapag-taping pa siya ng Maalaala Mo Kaya episode na ipalalabas naman sa January 2.

Malaking challenge na naman para sa aktor ang kanyang role na isang spiritually psychotic.

First time ni Arjo na mag-portray ng ganitong klaseng role na may dalawang katauhan – isang normal at isang mala-demonyo kaya excited siya. ‘Yun nga lang, hindi nila mapapanood ang airing dahil nga nasa ibang bansa sila.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ANG PROBINSYANO

ARJO

ARJO ATAYDE

CHIZ ESCUDERO

DA KING

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with