^

Pang Movies

Mother Lily tama ang ginawang pagpapahinga sa Shake…

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Marami ang agree sa desisyon ni Mother Lily Monteverde na pagpahingahin na muna ang Shake, Rattle & Roll series niya sa Metro Manila Film Festival at ang Haunted Mansion muna ang isali sa MMFF 2015.

Namamayagpag ngayon sa takilya ang Haunted Mansion at nasa top 4 ito (ang kuwento pa ng iba, top 3 daw ito). Sobrang happy nga raw si Mother Lily sa magandang resulta sa takilya ng Haunted Mansion na obviously ay hindi naman ganoon kalaki ang production budget considering na ang stars niya rito ay Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce na hindi pa naman kalakihan ang talent fees.

And in fairness kay Mother Lily, bawat pelikula ng Regal Entertainment ay tinututukan talaga niya, lalo na ang paglalabas ng budget sa bawat shooting day, kaya nako-control niya at imposibleng mag-over sila sa itinakda niyang budget.

Oo nga pala, maraming nagsasabing matinong pelikula ang Haunted Mansion at nagawa talaga ni Direk Jun Lana na matakot ang audience sa kanyang pelikula!

Pamilya ni Ogie nagsawa na sa Australia mag-New Year

‘Kaaliw talaga si Regine Velasquez-Alcasid, huh! Habang nasa Boracay kasi ang Asia’s Songbird kasama ang mister na si Ogie Alcasid, anak na si Nate, mga anak ni Ogie na sina Leila at Sarah, plus ang mag-asawang Mark at Michelle (van Eimerenn) Morrow, naglakad-lakad sila sa may beach area at natiyempuhang may wedding reception.

Naisip nilang mag-“gatecrash” na ikinatuwa naman ng newly wed, ‘noh!  “Habang naglalakad-lakad kasi kami sa may beach, nakita namin ‘yung wedding reception, nakiusyuso kami at natuwa naman ‘yung newly wed, kaya sabi ko kay Regs, kumanta siya. “Naki-jamming lang naman siya. Isang kanta lang at umalis na rin kami. Pero nakakatuwa na ang saya-saya no’ng mga nasa wedding reception,” kuwento ni Ogie nang makatsikahan ko kahapon.

Kuwento pa ni Ogie, after ng four years na sa Australia sila nagsi-celebrate ni Regine ng New Year, naisip naman nila na ang Morrow’s naman ang pumunta ng ‘Pinas para sama-sama silang mag-spend ng holidays dito.

Walang pag-asa sa Bagong Taon Sarah-Matteo wedding, malabo pang mangyari

‘Kaloka naman ang ibang fans, huh! Dahil nag-dialogue si Matteo Guidicelli na ang girlfriend na niyang si Sarah Geronimo ang gusto niyang pakasalan, marami sa fans ng binata ang nag-akalang baka sa 2016 na magpapakasal ang actor/singer at ang tinaguriang Popstar Princess.

Actually, nasabi lang naman ‘yon ni Matteo at wala pa naman talaga silang plano ni Sarah.

Obviously, parehong abala sina Matteo at Sarah sa kani-kanilang career, kaya not in the near future pa kung sakaling sila na talaga ang magkakatuluyan. Ang iba nga na nakakakilala sa nanay ni Sarah, si Mommy Divine, ay nagsasabing hindi pa nito handang pakawalan ang anak, kaya parang imposibleng pakasal na sa 2016 ang singer/actress.

Maging si Sarah naman, mukhang marami pang plano sa kanyang career, kaya malabo rin itong pakasal agad.

Pero kung masuwerte si Matteo kay Sarah, ang mga tunay na nakakakilala naman sa binata, pati sa kanyang pamilya, ay nagsasabing suwerte rin ang singer/actress sa kanyang boyfriend, huh!
Super rich kasi ang pamilya ni Matteo at sobrang babait din!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG TAON SARAH-MATTEO

DIREK JUN LANA

HAUNTED MANSION

MATTEO

MOTHER LILY

NAMAN

NEW YEAR

OGIE

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with