^

Pang Movies

Uy, uy, uy, Pia at P-Noy naka-sked nang magkita!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bumalik na sa Pilipinas ang mentor ni Pia Wurtzbach na si Jonas Gaffud.

Bago umuwi ng Pilipinas, pinuntahan muna ni Jonas si Pia sa apartment nito sa New York.

Isang taon na maninirahan si Pia sa New York dahil sa duties and obligations niya bilang Miss Universe.

Hintayin natin ang pagsasalita ni Jonas tungkol sa kanyang alaga. Marami ang nagtatanong kung kailan uuwi ng Pilipinas si Pia para sa kanyang ticker tape parade.

Kapag bumalik ng bansa si Pia, siguradong magkakaroon siya ng courtesy call kay P-Noy kaya mag-expect tayo na mabubuhay uli ang mga tsismis tungkol sa kanilang dalawa na hindi kapani-paniwala.

Hindi lamang ang presidente ng Pilipinas ang puwedeng ma-link kay Pia dahil may international crown and title na siya.

Jonas lapitin ng mga gustong maging beauty queen

Si Jonas ang gustong lapitan at hingan ng tulong ng mga kababaihan na nangangarap na maging beauty queen.

Ang feeling nila, matutupad din ang kanilang pangarap na ma­ging Miss Universe sa tulong ni Jonas na responsible kaya naging Miss World si Megan Young at Miss Universe si Pia.

Hindi masama ang mangarap pero suwertihan din ang pagsali sa mga beauty contest. Hindi sapat na dahilan ang pagiging maganda at matalino para manalo.

Bida sa Tasya…secret muna

Ang Viva ang producer ng television remake ng Tasya Fantasya.

Nagsisimula na ang taping ng Tasya Fantasya pero secret pa ang name ng bida na magbibigay buhay sa karakter na ginampanan noon nina Kris Aquino at Yasmien Kurdi.

Isa lamang ang Tasya Fantasya sa maraming programa ng Viva at TV5 na mapapanood sa 2016.

Confident ang Viva big boss na si Vic del Rosario na lalaban ang Kapatid Network sa ABS CBN at GMA 7 sa susunod na taon.

Si Boss Vic ang Chief Stra­tegist ng TV5.

Maricel magkaka-solo show sa Kapatid

Hindi malabo na magkaroon ng show o drama series sa TV5 si Maricel So­riano dahil talent siya ng Viva.

Nagkaroon na noon si Maricel ng drama anthology sa TV5 pero sandali lamang ang itinagal.

Hindi nawawala ang tiwala ng Viva kay Maricel na mapapanood uli sa big screen sa January 2016.

Bida si Maricel sa Shake, Shaker, Shakest episode ng Lu­mayo Ka Nga Sa Akin at ito ang reunion movie nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Malalim ang friendship ng dala­wa at magkapatid ang trato nila sa isa’t-isa dahil sila ang magkasama noon sa show na Kaluskos Musmos ng RPN 9.

Hindi pa nalilimutan nina Maricel at Herbert ang nakaraan. Tuwing may tapings sila, share ang kanilang mga magulang sa pagbabayad sa taxi dahil struggling actors pa lamang sila noon.

Fans ni JLC nagbunyi, Honor… ibinalik na sa mga sinehan

Rejoicing ang fans ni John Lloyd Cruz dahil ibi­nalik sa mga sinehan ang Honor Thy Father.

Nakatulong ang disqualification controversy at ang pag-ii­ngay ng mga involved sa Honor Thy Father para mag-demand ang mga tao na ibalik sa mga sinehan ang pelikula ni John Lloyd.

Worth watching naman talaga ang Honor Thy Father kaya marapat lang na mapanood ito ng mga Pilipino, hindi kagaya ng ibang mga movie producer na nagde-demand ng patas na laban at hustisya pero negative ang reviews sa kanilang mga pelikula.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

HONOR THY FATHER

JONAS

MARICEL

MGA

MISS UNIVERSE

NEW YORK

PILIPINAS

TASYA FANTASYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with