^

Pang Movies

Dahil sa kontrobersiya, Honor… ni John Lloyd biglang naging hot

Jun Nardo - Pang-masa

Nanindigan si MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos na lumabag ang producers ng Honor Thy Father sa regulasyon ng Metro Manila Film Festival nang ipalabas ito sa nakaraang Cinema One Originals.

Leksyon daw ito sa mga producer nang patawan ng disqualification sa Best Picture category sa nakaraang MMFF Gabi ng Parangal.

Ayon pa kay Atty. Carlos, handa raw silang humarap sa Kongreso upang sagutin ang inquiry tungkol sa nangyari.

Isinampa ni Congressman Dan Fernandez nu’ng Lunes ang isang house resolution sa Congress upang siyasatin ang pagkaka-disqualify ng HTF sa nasabing kategorya.

Sa pahayag naman ni Dondon Monteverde sa interview niya sa Tonight with Boy Abunda nu’ng Lunes ng gabi, pinagdiinan niyang wala silang nilalabag na regulasyon ng MMFF. Sa tanong kung galit ba siya sa nangyari, “Galit na galit!” deklara ni Dondon.

Tungkol sa isyung lutuan sa MMFF winners, nainterbyu rin si Manay Ichu Maceda. Itinanggi niya ang mga akusasyon at hindi siya dapat sisihin sa resulta ng nanalo sa awards night.

Sa panig naman ni Mother Lily, suportado niya ang anak na si Dondon sa ipinaglalaban dahil minsan na rin siyang nagkaroon ng kaparehong experience sa isinali niyang entry sa isang festival kung saan diskuwalipikado rin ito sa Best Picture pero hindi sa ibang categories.

Sa labang ito nina Dondon at Director Erik Matti, everybody’s watching and waiting for the results, pabor man sa kanila o hindi ang resulta ng imbestigasyon sa Kongreso!

But whether they admit it or not, malaking media and social media mileage ang nakuha nila upang maging curious ang mga taong panoorin ang Honor Thy Father, huh!

Hindi nga lang ito nakamit ng producers ng Nilalang na nanalo man ng awards, hindi naman pina­kinggan ang reklamo sa mga theater owner na nag-pull out ng entry ilang araw matapos itong ipalabas!

Heart nanay na nanay sa kambal ni Chiz sa Japan

Nakisabay ang mag-asawang Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista sa mga celebrities na nagliwaliw sa Japan nitong holidays. Kasama nila ang kambal na anak ng senador na sina Chesi at Quino.

Kahit hindi tunay na anak, super-asikaso si Heart sa mga anak ni Sen. Chiz. Larawan sila ng isang masayang pamilya na kita sa photos na inibahagi ng Kapuso actress sa Instagram account niya.

Sinulit talaga ni Heart ang bakasyon sa Japan lalo na’t sa mga susunod na buwan, ang sumama sa pag-iikot ng asawa sa mga probinsiya ang pagtutuunan niya ng panahon ng kampanya!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEST PICTURE

BOY ABUNDA

CHAIRMAN ATTY

CHIZ

CINEMA ONE ORIGINALS

CONGRESSMAN DAN FERNANDEZ

DONDON

HONOR THY FATHER

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with