^

Pang Movies

Dingdong at Marian, aliw na aliw bihisan si Baby Z

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tuwang-tuwang bihisan at ayusan ni Marian Rivera-Dantes ang baby nilang si Letizia na nai-post ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account, with the caption na “This Christmas we offer you our warmest wishes as we glorify the birth of the Child who came and filled the world with a love so true.  May the love of the Father, personified through His Son, embrace you and fill your hearts and homes this Holiday Season.”

Sa Wednesday, December 30, ay first wedding anniversary nina Dingdong at Marian pero wala pa kaming alam kung may malaking celebration dahil sabi ang baptism ni Baby Z ay hindi isasabay at sa January, 2016 pa ang binyag nito.

Opisyal daw MMFF result inilabas na, My Bebe... nangunguna

May natanggap kaming official gross sales ng first day showing ng walong entries sa 41st Metro Manila Film Festival noong December 25.  Gabi na ng December 26 ito lumabas, kaya wala pa rito ang second day showing ng MMFF:

1.   My Bebe Love (Octo Arts Films, GMA Films) – Php 64,272,197.57

2.   The Beauty & the Bestie (Star Cinema) – Php 39,709,886.34

3.   Haunted Mansion (Regal Entertainment) – Php 19,544,977.23

4.  All You Need Is Pag-ibig (Star Cinema) – Php 5,778,332.05

5. Walang Forever (Quantum Films) – Php 4,998,677.09

6.  Buy Now, Die Later (Quantum Films) – Php 4,443,568.98

7.      Honor Thy Father (Reality Entertainment) – Php 3,998,556.00

8. Nilalang (Haunted Tower Pictures) – Php 1,799,838.90

Alden hahada na naman sa Bagong Taon

Ilang araw ding nakapagpahinga si Alden Richards at he enjoyed their fa­mily bonding sa isang private beach resort in Batangas, pagkatapos nilang mag-dinner sa bagong bahay na ipinagagawa niya sa Sta. Rosa, Laguna noong Christmas eve. 

Kailangang-kailangan iyon ni Tisoy dahil simula pa yata ng pumasok siya sa Eat Bulaga at mabuo ang kalyeserye loveteam nila ni Maine Mendoza (Yaya Dub), halos hindi na siya nakapagpahinga at dalawang beses na siyang nagkasakit dahil sa over fatigue at puyat sa pagtupad niya sa mga commitments niya. 

Like today, back to work na naman siya dahil may dalawa siyang TV Commercial shoot, habang taped pa ang Eat Bulaga at nagbabakasyon pa si Maine sa Japan with her family. 

Pangungunahan ni Alden ang Countdown ng GMA Network na magaganap sa Seaside ng SM Mall of Asia on December 31, na magsisimula ng 11:00 p.m. 

Sasamahan si Alden ng mga kapwa Kapuso stars.  Magtatapos ito sa pamamagitan ng fireworks display.

MY Bebe… lalarga rin sa abroad

Sa pagtatagumpay ng My Bebe Love #KiligPaMore, lalong excited na ang AlDub fans abroad. 

Worldwide ang magiging showing ng movie na nagtatampok kina Vic Sotto, AiAi delas Alas at ng pheno­menal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. 

May mga friends kami sa Dubai na naka-ready na rin daw sa block screening nila, tulad ng ginagawa ng mga AlDub Nation dito sa Pilipinas. 

Okey daw lamang sa kanila kung hindi makarating sa kanila ang mga iniidolo nila, mapapanood naman daw nila ang mga ito sa big screen.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALL YOU NEED IS PAG

ANG

EAT BULAGA

MAINE MENDOZA

MY BEBE LOVE

NBSP

PHP

QUANTUM FILMS

STAR CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with