^

Pang Movies

John Lloyd nag-iba na ang plano sa career

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hanggang ngayon ay memorable pa rin kay John Lloyd Cruz ang Tabing Ilog, ang palabas na pinagmulan niya sa ABS-CBN.

Mula nga naman kay Kaye Abad na kasama sa cast ng Tabing Ilog na noon pa man ay nagpapakita na ng husay sa pag-arte, kasali rin sa palabas ang mga veteran actors na sina Daria Ramirez at Caridad Sanchez kaya kailangan ay talagang handa ang sinuman sa taping nila noon. 

Kaya noon pa man ay nahamon na si Lloydie sa pagsabak sa aktingan. 

Isa naman sa best movies para sa kanya ang Kisapmata ni Mike de Leon na itinuturing na isa sa mga de kalidad na pelikula ng golden age of Philippine cinema.

Samantala, first time na makasama si Lloydie sa Metro Manila Film Festival (MMFF) - Honor Thy Father.

Unang pagkakataon din niyang gumanap sa out of the box role mula sa kanyang pagiging sensitive at iyakin sa A Second Chance.  

Sa pelikulang Honor Thy Father, magpapakitang gilas ito sa akting at ilalabas ang kanyang bad side na walang sinasanto basta para sa pamilya.

Nginingitian lang ni John Lloyd ang sinasabing nangangamoy Best Actor na ang kanyang acting sa nasabing pelikula.

Wish ngayon ni John Lloyd na makipag-collaborate sa mga bagong artist at director. Hindi naman kailangang malaki, kahit maliit na artista ang kanyang makakasama ay walang problema sa kanya basta kalidad ang standard ng kuwento at produksiyon.

vuukle comment

A SECOND CHANCE

ANG

BEST ACTOR

CARIDAD SANCHEZ

DARIA RAMIREZ

HONOR THY FATHER

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KAYE ABAD

STRONG

TABING ILOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with