^

Pang Movies

Kahit walang Sarah o Bea... Pelikula ni John Lloyd inaabangan kung kikita

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines –  Ngayon ang opening day ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Hinuhulaang pipilahan ang mga pelikulang My Bebe Love nina Bossing Vic, AiAi delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza at makikipagpukpukan daw dito sa takilya ang mga pelikulang All We Need Is Pag-ibig nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Kim Chiu, Xian Lim, Pokwang, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Bimby Aquino Yap, pati ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na Beauty and the Bestie.

Puwede rin daw makalusot at baka mag-top three pa ang Walang Forever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales dahil maganda ang feedback sa pelikula.

Sa horror department naman, inaasahang maglalaban ang Haunted Mansion ni Mother Lily Monteverde at Buy Now, Die Later na produced naman ni Atty. Joji Alonso.

Ang Nilalang ni Cesar Montano? No comment na lang!

 ‘Yung kay John Lloyd Cruz naman na Honor Thy Father, sana lang pasukin ito ng fans ng aktor kahit malayo ito sa mga pelikulang pinagsamahan nila ni Sarah Geronimo, pati ng mga pelikula niya with Bea Alonzo!

 ‘Yun lang!

Ruffa pinaplanong magpa-freeze ng ‘itlog’!

Merry Christmas!

Mukhang merry nga talaga ang Christmas ni Annabelle Rama dahil wala silang problema ng anak na si Ruffa Gutierrez dahil hindi isinama ng TV host/actress ang boyfriend na si Jordan Mouyal sa kanilang yearly Christmas eve party sa kanilang bahay.     

Kung matatandaan, binanggit ni Bisaya sa launch ng book niyang ‘Day, Hard! (Lakas ng Loob, Kapal ng Mukha) na hindi welcome sa kanilang bahay si Jordan kahit ngayong Christmas.

Wala namang problema kay Ruffa ‘yon dahil wala naman talaga sa bansa si Jordan.

Nasa Paris, France si Jordan at next year pa yata ang balik ng ‘Pinas.

Anyway, lately, madalas na banggitin ni Ruffa na gusto niyang magpa-freeze ng kanyang “eggs”.

Sa birthday party nga ng Cosmo Skin big boss na si Niño Bautista, ikinuwento niya sa ilang mga kaibigan na nagpaplano siyang magpa-freeze ng kanyang “eggs” dahil baka in the future ay gusto na niyang sundan ang bunso niyang si Venice.

Sa ngayon kasi, happy si Ruffa sa dalawang anak niya (si Lorin ang panganay), pero naisip niya na baka in the future, lalo na at mabilis ang paglaki ng kanyang mga anak, ay baka gusto naman niyang magka-baby na uli at mahihirapan na siya, kaya ngayon pa lang daw, binabalak na nga niyang ipa-freeze ang kanyang “eggs” para puwedeng gamitin ang mga ‘yon kung gusto niyang magka-baby uli.

Bago naisipan ni Ruffa ang pagpapa-freeze ng kanyang “eggs” ay nauna nang gawin ‘yon ng kaibigan niyang si Cristalle Belo Henares.

Mga intrigera, minamasama ang ‘pagsawsaw’ ni Pauleen sa pagkapanalo ni Pia

Sobrang close si Pauleen Luna sa newly-crowned Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at dapat talaga ay bridesmaid ang beauty queen sa nalalapit na kasal ng kaibigan kay Vic Sotto, pero very touching pala ang dialogue ni Pauleen kay Pia bago pa man ito umalis pa-Los Angeles, California (sa L.A. ang port of entry niya sa Amerika bago tumulak pa-Las Vegas, Nevada kung saan ginanap ang Miss Unieverse 2015 events).

Sabi raw ni Pauleen kay Pia, ok lang na hindi ito maka-attend sa kanyang kasal bilang bridesmaid basta manalo lang ito sa Miss Universe, which she did naman!

Ang closeness nina Pauleen at Pia ay nagsimula pa sa ABS-CBN nang kapwa sila maging parte ng Star Magic.

Sobrang proud nga si Pauleen sa tagumpay ni Pia!

May iba namang nagsasabi na “nakikisakay” raw si Pauleen sa popularidad ngayon ni Pia, pero marami namang nagtatanggol sa soon-to-be bride ni Bossing Vic.
 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

LEFT

MGA

MISS UNIVERSE

NBSP

PAULEEN

QUOT

RUFFA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with