^

Pang Movies

Miss Colombia na nagmamaldita, nadiskubre tuloy ‘salamat dok’ pala ang ganda

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dahil nagmaldita si Miss Colombia Ariadna Gutierrez Arevalo na hindi matanggap na si Pia Wurtzbach ang tunay na Miss Universe 2015, nahalungkat ng mga masisipag na Pinoy ang kanyang before and after picture.

Hindi puwedeng i-deny ni Ariadna na hindi natural ang kanyang kagandahan dahil “Salamat po Dok” ang beauty niya.

Kitang-kita sa mga old picture ni Ariadna ang malaking pagkakaiba ng mukha niya noon at ngayon.

Karapatan ni Ariadna na pagandahin ang kanyang hitsura pero mas magiging effective ang beautification project niya kung hindi siya bitter.

May tsismis na idedemanda ni Ariadna ang Miss Universe host na si Steve Harvey dahil sa kahihiyan na ibinigay nito sa kanya. Baka maloka si Ariadna kapag nalaman nito na suportado si Harvey ng Miss Universe Organization dahil ang American comedian pa rin ang host ng Miss Universe 2016 sa kabila ng kapalpakan niya sa Miss Universe 2015.

Malaking datung ang kailangan ni Ariadna kung idedemanda niya si Harvey na maraming beses nang nag-sorry sa kanya.

Imbes na gumastos sa demanda, gamitin na lang ni Ariadna ang kanyang datung sa pagpaparetoke.

Pops, Apl.De.Ap, Wally, Jose at Paolo mangunguna sa New Year Countdown sa Philippine Arena

Hindi lamang si Pops Fernandez ang performer sa engrandeng New Year Countdown ng Iglesia Ni Cristo sa December 31.

Makakasama rin ni Pops sa big event sina Apl.de.ap, Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Invited sa New Year Countdown ang mga representative ng Guinness World Records dahil type ng INC na makuha ang world record ng largest fireworks display.

I’m sure, magtatagumpay ang INC sa kanilang attempt dahil nagawa na nila ito noon nang ideklara ng Guinness na World’s Largest Indoor Theater ang Philippine Arena at Largest Audience in a Film Premiere at Largest Audience in a Film Screening ang Felix Manalo, ang pelikula tungkol sa buhay ni Ka Felix, ang First Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo.

Excited na ang mga kababayan natin na ma-witness sa susunod na Huwebes, December 31, ang bonggang fireworks display na tiyak na magtatala ng record sa Guinness.

Bawian ng korona sa mga beaucon, bumida sa social media

Lumitaw ang mga video ng ibang mga kapalpakan sa mga beauty contest dahil sa kontrobersyal na coronation night ng Miss Universe 2015 noong December 20.

Pare-pareho ang mga video dahil ang first runner up ang naideklara na winner sa Miss Puerto Rico World 2000 at Mrs. World 2006, hindi ang tunay na nanalo pero nagkaroon ng bawian ng korona.

Ang kaibahan lang, hindi kasing-sikat ng Miss Universe ang mga nasabing beauty contest kaya hindi ito pinag-usapan sa buong mundo.

Ang emcee ng mga beauty pageant ang nagkamali dahil mas excited pa sila kesa mga kandidata. Mas concerned kasi sila sa itsura nila sa telebisyon.

Pia ipu-push na makapunta sa kasal ni Pauleen

Susubukan ni Pia Wurtzbach na magpaalam sa Miss Universe Organization para makadalo siya sa church wedding nina Pauleen Luna at Vic Sotto sa January 2016.

Best of friends sina Pia at Pauleen kaya gustung-gusto ng bagong Miss Universe na masaksihan ang isa sa pinaka-importante na araw sa buhay ng kanyang kaibigan.

Sana nga, payagan si Pia ng Miss Universe Organization dahil matagal nang commitment ang pagiging abay niya sa kasal nina Bossing at Pauleen.

vuukle comment

ALIGN

ANG

ARIADNA

DAHIL

LEFT

MGA

MISS

MISS UNIVERSE

QUOT

STRONG

UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with