^

Pang Movies

Pia nakatanggap din ng papuri kay Tyra Banks

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Patuloy ang mga magagandang balita para kay Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

Pati mga foreign celebrities ay nagpapadala ng papuri sa bagong kinoronahan na Miss Universe.

Kabilang na rito ang supermodel na si Tyra Banks.

Nag-tweet si Tyra sa picture ni Pia at nilagyan niya ng caption na “Dang, girl. You betta #SMIZE.”

Ang SMIZE ay “smiling with your eyes” na pinauso ni Tyra sa modeling business dahil nakilala siya sa kanyang mga photo shoots, hindi lang dahil sa magandang katawan niya noon kundi dahil sa kanyang expressive eyes.

Isa si Tyra sa malaki ang bilib sa mga Pinoy, lalo na sa mga designers na ilang beses niyang na-feature sa kanyang show na America’s Next Top Model.

Sayang at nagtapos na ang kanyang show pagkatapos ng 12 years. Kung ongoing pa ito, malamang na i-request niyang mag-guest si Pia sa isang episode.

Samantala ang leader ng South Korean boy group Super Junior na si Leeteuk, ay nagpadala ng congratulatory message kay Pia pagkatapos niyang malaman na isang Super Junior fan ito.

Sa isang translation na pinost ng Soompi, heto ang sinulat niya:

“Congratulations #miss #universe I heard from the news that there was even the “happening” of announcing the wrong winner. But congratulations to you, an ELF who loves Super Junior, and especially loves Siwon. I also heard that your dress matched our color. I want to say congrats one more time!”

Miss Germany certified sawsawera

Pagkatapos tumalak sa isang interview ni Miss Germany Sarah-Lorraine Riek dahil sa naging gulo sa Miss Universe at parang nilait pa niya si Miss Philippines, nakatanggap siya ng panlalalit naman mula sa netizens at sinabing sawsawera siya, walang breeding at inggitera.

Naglabas agad ng isang letter of apology si Miss Germany sa pamamagitan ng Facebook at nag-sorry ito sa kanyang mga sinabi dahil naging very emotional lang daw siya.

Wala raw siyang balak na i-offend si Pia. Sa kabilang banda ay naawa raw siya rito dahil nawala raw ang chance nito na ma-savor ang crowning moment dahil sa nagawang pagkakamali ng host na si Steve Harvey.

Kapuso stars, pang-beauty queen ang wish sa Pasko

Mas dama ang pagmahahalan ngayong darating na Pasko dahil sa ibang tao inilaan ng ilang Kapuso stars ang kanilang Christmas wish.

Kapayapaan at kasiyahan ang panalangin ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

“I just wish for peace and happiness.

“Kasi ‘di ba pag masaya ka, wala namang material thing na makapagpapalit sa kasiyahan ng isang tao. Sobrang priceless lang ng happiness.”

Para naman kay Little Nanay na si Kris Bernal: “Siguro hindi na lang para sa akin ‘yung Christmas wish ko, para sa ibang tao like ‘yung mga prayers nila sana masagot ni Lord ngayong Pasko at sana matupad lahat ng dreams nila at ‘yung wishes nila sa ibang tao.”

Para naman kay Wowowin host Willie Revillame, naniniwalang instrumento ang kanyang Sunday variety-game show para rin matupad ang hiling ng ating mga kababayan.

“Alam ko ang kailangan ng tao. Ano ang kailangan? Happiness.

“The Christmas wish is more of ano, peaceful dapat,” sey niya.

Para naman kay Christian Bautista: “No more heavy traffic, that the right president be elected, and that OPM and music may thrive even more next year.

At para kay Asia’s Got Talent Golden Girl Gerphil Flores: “I really wish for a better Philippines this 2016.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

MGA

MISS

MISS GERMANY

MISS UNIVERSE

PARA

PASKO

SUPER JUNIOR

TYRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with