^

Pang Movies

Gustung-gusto pa naman sana nilang magkakapatid, Kris ibinukong basted si P-Noy kay Pia

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa solo presscon ni Kris Aquino last Monday ay isa rin sa napag-usapan ang kapapanalo lang na Miss Universe na si Pia Wurtzbach na as we all know ay na-link sa kuya niyang si President Noynoy Aquino.

“All of us kaming mga sisters, from before pa, noong naru-rumor that they were dating, we like her. Because one, she could have easi­ly denied [that they were dating] because that was the time na ‘yung SAF big deal, and Noy was being hit left and right. But she spoke up for him. Kaya sabi ko ay matapang itong girl na ito, hindi nang-iiwan, hindi nagde-deny kaya bongga,” say ni Kris.

Pero natawa ang lahat nang sabihin ni Kris na “I don’t think she likes Noy”.

Dagdag niya “I think she entertained him but the thing is, you can tell from her character na single-minded. Kinaila­ngan na ito ang focus ko muna.

Grabe naman ‘di ba nangalahati ang katawan and lahat ng training, pi­nagdaanan. Pero ‘di ba pinadalahan [ni Noy] ng flowers bago umalis?”

Dahil nga kapapanalo pa lang ni Pia that day hindi alam ni Kris kung nag-text na si PNoy kay Miss U para i-congratulate.

Sen. Chiz, tatlong anak kay Heart ang wish sa Pasko

Very excited sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero na mag-spend ng first Christmas nila as husband and wife.

Larawan ng isang happy family sina Heart at Chiz kasama ang kambal ng senador na sina Chesi at Quino sa photo na in-upload ni Heart sa kanyang Instagram account last Sunday.

Very radiant ang 30-year-old actress at halatang happy ito sa married life at ine-enjoy ang pagiging mommy sa twins ni Sen. Chiz.

‘Di rin naman maikakailang genuine ang smile ng kambal at makikitang very close ang mga ito sa kanilang “Tita Heart.”

Ayon sa article na lumabas, excited na excited ang pamilya mag-spend ng holidays na magkakasama.

Pero hirit ng leading independent vice-presidential candidate, isa lang daw ang wish niya this Christmas: three more kids para sa kanila ni Heart. Syempre, gusto raw ni Sen. Chiz ng two girls and one boy.

Kamakailan lamang ay inamin ng aktres na ready na nga siyang i-welcome ang motherhood.

“I do feel it now (ready to have a baby). I never used to feel that, na when you look at a baby’s fingers parang there’s something in your heart that moves you. It excites me because I have never felt this way before,” sabi pa ni Heart sa isang interview.

Well, ready na nga kaya ang couple na magka-baby considering na magiging busy sila for the campaign season? Hopefully, matupad nga yang wish ni Sen. Chiz next year.

Liezl ibinilin si SGP kay Albert

Ibinilin pala ni Liezl Martinez si Sen. Grace Poe sa asawang si Albert Marti­nez bago siya yumao noong Marso dahil sa sakit na cancer.

Ito ay ayon mismo kay Albert na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Grace bilang pangulo ng bansa.

“Siyempre she’s a good friend. I know her very well,” sabi ng multi-awarded nang matanong tungkol sa kaniyang pagsuporta sa kandidatura ni Grace sa pagkapangulo ng bansa.

“Of course, I will support naman at saka ibinilin sa akin ni Liezl si Senator Poe,” dagdag pa ni Albert.

Si Liezl ay pumanaw noong Marso matapos ang ilang taong pakikibaka sa sakit na cancer.

Isa si Albert sa mga batikang artista na nagpahayag ng suporta sa anak ni Da King Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces.

Nauna nang nagpahayag ng suporta sina Eddie Garcia, Superstar Nora Aunor, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi at Joey Marquez sa hangarin ni Grace na maging pangulo ng bansa.

Proud na proud si Grace sa kanyang showbiz connection dahil ito raw ang bumuhay at nagpaaral sa kaniya.

“I’m very proud of the movie industry and the television industry. Iyon naman ang kinalakihan ko. Iyan naman ang nagpa-aral sa akin, iyong mga tumataguyod ng pelikula kaya I’m proud of that,” sabi ni Grace sa isang radio interview.

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTI

ANG

CARMINA VILLAROEL

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DA KING FERNANDO POE

EDDIE GARCIA

GRACE POE

HEART

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with