^

Pang Movies

Naiirita na pinalalabas siyang masama James bidang-bida sa presscon ni Kris!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi nakadalo si Kris Aquino sa presscon ng All You Need is Pag-ibig last Dec. 8 dahil may sakit ito kaya naman kahapon ay nagkaroon siya ng solo presscon sa kanyang bahay mismo sa Green Mea­dows.

As usual, panalo sa tsika si Kris na kapag tinanong mo, kilu-kilometro ang sagot kaya naman isa siya talaga sa paboritong interbyuhin ng entertainment press mula noon hanggang ngayon.

Ang daming napag-usapan at itinanong sa kanya at isa na nga rito ay ang ama ng kanyang bunsong anak na si Bimby. Napag-usapan kasi ang tungkol sa pa­ren­ting at aniya, any parent naman daw siguro ay gagawin ang lahat para sa kanilang anak at pwedeng isakri­pisyo ang lahat. Nagtataka lang daw siya kung bakit si James Yap ay hindi ito magawa para sa anak.

“I can only go so much. Kasi, ala­ngan namang kaladkarin ko pa or ako pa ang mamilit ‘di ba? Kung hindi naman magkukusa, tantanan na rin ako. Huwag n’yong palabasin na ako ‘yung bad kung ikaw mismo, wala ka namang ginagawa. It takes two,” ani Kris.

Of course, sariwa pa rin sa lahat ang huling misunderstanding nila ni James regarding Bimby’s first communion kung saan ay inakala ni Kris na hindi pupunta ang ex-husband dahil dedma sa text invitation niya.

It turned out na sumagot si James pero hindi ito na-receive ni Kris kaya akala ng aktres/TV host ay hindi ito interesadong dumalo.

Anyway, when asked kung struggle pa rin ba sa kanila ang ganitong mga pagkakataon? Say ni Kris, “it’s not really struggle because I know, hindi ako nagkukulang. I think it’s his struggle because maybe, he’s still not really prepared to take on the responsibilities on parenting.”

Herbert at Derek mas mabuting ama raw

Ginawa nga niyang example ang leading man sa All You Need is Pag-ibig na si Derek Ramsay na dapat daw kahapon ay magte-tape sila ng KrisTV pero nakiusap daw ang aktor dahil susundo ito sa airport dahil darating ang anak.

“So, ‘pag nakikita mo ‘yung ganu’n, mapi-feel mo, ‘di ba? At ‘yun, ‘di ba, nag-DNA pa and everything. Pero may ginagawa.

“Tapos, babalikan ko ‘yung nakaraan, ha? ‘Yung naka-short live relationship ko na prinrayoritays ang mga anak. O, possible ‘yun, eh.

“So, parang ang feeling ko, bakit sa anak ko, hindi ginagawa (ng tatay nito)?”

Of course, we know na si Mayor Herbert Bautista ang tinutukoy ni Kris who prioritized his children over her.

Pero open ba siya halimbawang humi­ngi si James ng oras para sa anak?

“He doesn’t have to ask for time. Pumunta ka lang sa school. There’s no rule that says huwag kang magsundo. Never. Walang humaharang sa ‘yo na daanan mo, mag-drive-thru kayo.

“Eto lang ha, kung ‘yung yaya nga (ni Bimby na bagong kasal), kinat-short (cut short) ang honeymoon dahil alam na alam na ganu’n ka-heartbroken (si Bimby), na buong mundo, alam kung gaano ang iniyak ni Bimb, lahat ng Filipino, naki-cry sa amin, he never even called to check on the kid.

“So, parang minsan, naiirita talaga ako na palalabasin nila na ako ang may problema. Hindi po ako ‘yun. Kasi parang ginagampanan ko lahat at hindi ko hinaharangan. Ang problema lang siguro is hindi ko naman kayang pilitin,” she said.

What if, mag-effort and the girlfriend comes, okay ba sa kanya?

“I’ve liked her from the start because number 1, she made the effort na magluto ng carbonarang gusto, second, nag-research siya ng masarap na pizza, third, everytime na nagkikita sila, mayroon siyang mga (dala) not just for Bimb but also for Kuya (Jo­shua). ‘Di ba? Hello! Mas bongga pa nga siya! Sa totoo lang, ‘di ba, ‘pag mabait sa anak mo, if good sa child mo, you’re so happy.”

Kris hindi umaasa na mangunguna sa MMFF

Samantala, tinatanong si Kris kung ano ang declaration niya sa All You Need is Pag-ibig. Dati kasi ay may forecast siya kung no.1, no. 2 or no.3 ang movie niya at nagkakatotoo naman.

Pero ayon kay Kris, wala raw siyang declaration at sinabihan nga raw niya ang Star Cinema at si Vice Ganda na ihanda na ang sarili.

“Day 1 is not ours. ‘Yun, sabi ko. Pero ipaglaban na lang natin na magaganda ng movie natin. Sabi ko nga, I think, realistic ang expectation naming lahat. Tanggapin natin, day 1 will be theirs but there are how many other days left?”

Aminado rin si Kris na talagang hindi naman daw nila inasahang lahat na darating ang AlDub.

“Pero the only thing I think we’re confident about is Star Cinema knows how to tell a story. And cine­matically, movie ito. Ang ganda talaga ng shot,” sabi ni Kris.

vuukle comment

ACIRC

ALL YOU NEED

ANAK

ANG

BIMBY

HINDI

KRIS

KUNG

PERO

SHY

STAR CINEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with