^

Pang Movies

Pia huhusgahan na kung matutulad kay Margie Moran

Jun Nardo - Pang-masa

Ay, hanggang Top 10 lang pala at hindi pumasok sa Top 5 sa Miss World 2015 ang pambato ng Pilipinas na si Hilarie Parungao!

Ngayong umagang ito naman malalaman natin ang kapalaran ni Pia Wurtzbach na panlaban natin sa Miss Universe sa Las Vegas. Lahat siyempre ay nananalangin na magkaroon na tayo ng bagong Miss Universe after Margie Moran.

Although proud na rin tayo kahit runners up lang ang na-take home ng ilang pinanlaban natin, mas masarap pa rin ‘yung ninanamnam natin kapag winner si Pia, huh!

Talagang Disyembre talaga ang panahon ng international beauty contests, huh! For sure, nanginginig sa ginaw ang mga kandidata sa swimsuit competition! Ha! Ha! Ha!

Balikang Pops-Martin, suntok sa buwan

Uber modern family ang caption ni Pops Fernandez sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang mga anak na sina Robin at Ram kay Martin Nievara na kasama naman ang anak na si Santino sa ibang babae.

Dati-rati, iwas si Martin na idispley sa publiko ang anak niya sa ibang babae. Pero ngayon, hindi lang niya idinispley ang bata kundi kasama pa ang mga step-kuya niya kay Pops, huh!

Siyempre, may naghahangad pa rin na magkabalikan sina Pops at Martin. Pero suntok sa buwan nang pangarap ito. Pops and Martin are better off as friends, so why rock the boat?

Natikman kasi ang actor Solenn nagselos kina Derek at Kiray

Leading lady na ang lebel ngayon ng komed­yanteng si Kiray Celis. Take note na ang roromansa sa kanya sa pelikulang Love Is Blind ng Regal ay si Derek Ramsay, huh!

Klik na klik sa audience ang trailer ng movie na idinirek ni Jason Paul Laxamana. Ipinalabas ang nakakabaliw na trailer sa midnight screening ng Haunted Mansion last Friday.

Siyempre, talbog ni Kiray ang mga artistang babae na pinapangarap mayakap, mahalikan, at maikama kahit sa pelikula lang si Derek. Puwes, butata silang lahat kay Kiray pero non-stop ang tukaan nila ng aktor, huh!

No wonder, may selos factor daw kay Kiray si Solenn Heussaff na kasama rin sa movie kaya pumayag na rin siyang magpahalik sa ex boyfriend, huh!

Ay, paano na si Tom Taus, Kiray, na bet na bet mong magpabebe?

vuukle comment

ANG

BALIKANG POPS-MARTIN

DEREK

DEREK RAMSAY

HAUNTED MANSION

HILARIE PARUNGAO

JASON PAUL LAXAMANA

KIRAY

KIRAY CELIS

LAS VEGAS

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with