^

Pang Movies

Uy may problema nga? John Lloyd mas inuuna ang trabaho kesa kay Angelica

- Vinia Vivar - Pang-masa

Natatawa na lang si John Lloyd Cruz sa mga tanong tungkol sa relasyon nila ni Angelica Panganiban sa presscon ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie niya na Honor Thy Father under Reality Entertainment.

Pabiro niya ngang sabi, “para namang pang-life achievement ang mga tanong, masyadong seryoso.”

May mga tsismis na naman kasing may problema ang relasyon nila dahil nga mag-isa lang na nagbakasyon si Angelica sa New York recently at dati namang magkasama sila sa mga ganitong out of the country trips.

Pero ayon kay Lloydie ay okay naman daw sila ni Angelica at assumption lang ng mga tao ang diumano’y pagkakalabuan nila.

“Okay naman kami. Well, it’s a work season for us. It has been for quite a while, kasi, magmula nang nag-soap siya, ngayon lang siya nakakuha ng break dahil kailangan du’n sa istorya nila or something.

“Ako naman, nun’g nagpunta siya ng New York, mayroon akong tinatapos na pelikula,” say niya.

Sabi pa ng aktor, siyempre ay kailangang unahin muna ang commitments.

Samantala, sa tinagal-tagal ni JLC sa industry, first time niya palang magpa-participate sa MMFF kaya sobrang excited daw siya.        

“First time kong Christmas season na may trabaho. So, para maiba, okay din,” sey ng aktor.

Excited din ba siya sa awards night lalo na nga’t ngayon pa lang ay marami na ang humuhula na siya na ang magwawaging best actor?

“Ako, more than anything talaga, it’s not the awards, it’s not the box-office, ‘yung kita, hindi, ang sa akin, pinaka-excited ako du’n sa fact na mayroong ganitong tema ng pelikula na part ng MMFF, gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience, especially audience ng MMFF kasi parang sila ‘yung parang representative talaga, dito kasi, walang ibang pinapalabas (na any movie, local or foreign na non-MMFF), ‘di ba?”

Medyo kakaiba ang HTF sa mga usual genre na ginagawa ni Lloydie. Hindi ito rom-com at medyo seryoso ang tema. May kaba factor ba ang actor sa tuwing gumagawa siya ng ganitong tema ng pelikula?

“’Yung kaba, kahit naman sa rom-com, ito namang A Second Chance (ang huli niyang movie na nag-break ng record sa box-office), hindi naman namin ine-expect na magiging ganyan ang (result), kumbaga, in the end, hindi mo pa rin masusukat ang audience,” he said.

Pero how true na ‘yung A Second Chance ang itinuturing niya talagang a second chance sa career niya dahil na-depress siya sa nangyari sa The Trial?

“Hindi, hindi ‘yun. You know, after a while, ilang taon na ako sa (showbiz), mahigit kalahati ng buhay ko, nandito na ako sa industry. Ni-launch ako, 1997, more than 15 years na. Eh siyempre, kailangan mong. . .minsan, hindi madaling sumakay sa transition. Minsan, hindi mo alam kung saan ka na lulugar, minsan hindi mo na alam kung anon’g direksyon.

“So, ‘yun ang sinasabi ko. Sa ganun’g konstekto ko siya nabanggit. Ayun, ‘yun yata ang exciting. Parang ang career naman namin, parang buhay lang, eh. Minsan, nandiyan ka, minsan, wala. Ang importante is every chance you get, enjoy mo and do it your best,” pahayag pa ni Lloydie.

Ang kwento ng HTF ay tungkol sa isang padre de pamilya na si Edgar (Lloydie) na may asawang namamahala ng investment business. Bumagsak ang negosyo ng asawa kaya nagalit ang investors at dumating sa puntong pagbabantaan ang mag-inang Kaye at Angel (Meryll Soriano and Krystal Brimmer) maibalik lang ang pera nila. Bilang ama, ginawa niya ang lahat upang bigyan ng proteksyon ang mga minamahal pati na ang pagkapit sa patalim. Ito ay mula sa direksyon ni Erik Matti.

Kathryn nagseselos sa bagong babae ni Daniel

Patuloy pa rin ang mataas na ratings ng Pangako Sa ‘Yo, lalo na nga sa mga huling kaganapan kung saan ay muling pinaglalapit ng tadhana sina Yna (Kathryn Bernardo) at Angelo (Daniel Padilla).

Ayon sa datos ng Kantar Media, nagtala ang episode ng Pangako Sa ‘Yo noong Miyerkules (Dec. 16) ng national TV rating na 30.1%.

Nag-trending sa netizens ang mga eksena bago ihatid ni Angelo si Yna sa kanyang bahay dahil sa kalasingan nito. Hindi man nagsabihan ng totoong nararamdaman sa isa’t isa, ipinahiwatig ni Yna ang kanyang pagseselos kay Ligaya (Sue Ramirez) at ang katotohanang napapanaginipan niya ang da­ting kasintahan.

Ngayong madalas nang magkikita sina Yna at Angelo sa restaurant, kakayanin ba nilang itago ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa?

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

LEFT

LLOYDIE

MGA

NBSP

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with