^

Pang Movies

Kean takot iwan ang mga ka-banda

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Blessing na para kay Kean Cipriano ang ma­ging 5th placer sa katatapos na Your Face Sounds Familar ng ABS-CBN last Sunday.

Masaya si Kean na napasama siya sa show na nung una ay hesitant siyang gawin.

Pero dahil sa gusto niyang lumabas sa kanyang comfort zone, natupad naman ang  gusto nito na maging baliw-baliwan sa show.

Saludo si Kean sa lahat ng mga nakasama niya lalo na kay Denise Laurel na lumabas daw ang pagiging artist at nagwagi pang grand winner ng season 2 ng show.

Hindi malilimutan ni Kean nang mag-perform siya bilang si Dolphy.

Naging mabigat man sa kanyang balikat ang panggagaya sa Comedy King, honored naman ang singer dahil nakuha niya ang respeto ni Vandolph nang magkita sila pagkatapos niyang mag-perform.

Marami raw siyang natutunan sa kanyang performances sa YFSF. Hindi raw niya nagawang mag-isa ang lahat ng mga ginaya niya kung hindi dahil sa tulong ng magagaling na makeup artists kaya naging posible ang kanyang mga impersonation.

Nagpapasalamat din si Kean sa lahat ng sumuporta lalo na sa fans nila sa Calilly dahil full force ang mga ito sa kanya sa buong show.

Katulad ng pangako ni Kean, na never niyang iiwanan ang banda  kahit gaano ka-busy sa kanyang solo career bilang artista.

Aminado si Kean na hindi raw siya mabubuhay kapag nawala siya sa kanyang banda.

Starstruck finalist na si Klea tina-target maging beauty queen!

Pangarap pala ni Klea Pineda, ang isa sa final four ng Starstruck ng GMA 7 na maging beauty queen balang araw. Bale ba sa edad na 16 years old ay 5’9 na agad ang kanyang height.

Matalo o manalo man si Klea sa final judgement ng Starstruck na gagawin sa Saturday ay susubok pa rin ang bagets na sumali sa Miss World at Binibining Pilipinas.

Pero tatapusin muna niya ang kanyang 4th year sa high school sa Sto. Niño de Novaliches School at plano nitong kumuha ng Mass Communication sa college.

Mahilig din itong kumanta, sumayaw, at umarte.

Distrubutor ng Rino Spread ang family ni Klea, pero pa-humble ito na hindi raw sila mayaman kundi ang lolo nito na kung tawagin niya ay papang.

vuukle comment

ANG

BINIBINING PILIPINAS

COMEDY KING

DENISE LAUREL

KANYANG

KEAN

KEAN CIPRIANO

KLEA

KLEA PINEDA

MASS COMMUNICATION

MISS WORLD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with