^

Pang Movies

Marian magpapapayat ng konti bago mambulaga!

Jun Nardo - Pang-masa

Nadagdagan nang very, very light ang timbang ni Marian Rivera kahit hindi ito masyadong halata. Eh, either February or March next year ang pagbabalik sa showbiz kaya naman ang magbawas ng konting timbang ang gagawin niya.

Ayon sa isa sa team managers ni Yan Yan na si Rams David, gusto ng GMA Primetime Queen na seksing-seksi uli siya pag bumulaga na sa TV. “Gusto niyang magpahinga at mag-devote ng mahabang oras para kay Baby Zia,” text sa amin ni Rams.

Madalas ngang nasa bahay nina Yan ang Mommy Amy niya upang tulungan siya sa pag-aalaga sa anak at i-guide ng tamang pag-aalaga. Super happy din si Marian dahil pati si Dingdong Dantes ay gumagawa rin ng daddy chores kung kinakailangan, huh!

Siyempre pa, very thankful si Yan Yan na meron siyang Dong na hindi lang very loving husband kung loving dad din kay Baby Zia.

Sen. Grace makikipagkita sa mga kaibigan ng ama

Wala pang desisyon ang Korte Suprema kaugnay ng disqualification case ni Senator Grace Poe.

Kahapon, narinig namin sa DZBB radio program nina Arnold Clavio at Ali Sotto na makikipagkita ang senadora sa mga veteran showbiz press na naging malapit sa kanyang yumaong ama, si FPJ.

Nu’ng Monday, death anniversary ng yumaong King of Philippine movies. Isa si Grace na dumalo sa misa sa araw na ‘yon sa North Cemetery.

Ayon kay Manay Lolit Solis sa nasabing programa nina Arnold at Ali, napi-feel niya ang lungkot sa boses ni Sen. Grace. Maging siya ay nalulungkot dahil baka mabawasan siya ng powerful friends, huh!

Kung may sampal-serye kina Mar Roxas at Rody Duterte, harang-serye naman ang kinasasangkutan ni Sen. Poe dahil sa maraming harang sa pagtakbo niya bilang presidente ng bansa, huh!

Kris kinilig nang purihin ni Maine

Walang isnabang naganap nang magkita sina Kris Bernal at Maine Mendoza nitong nakaraang Sunday PinaSaya.

Kung inyong natatandaan, na-bash ng fans ni Maine si Kris nang mag-post siya sa Instagram ng picture nila ni Alden Richards sa isang out of town show.

Lumabas nga ang pagiging fans ng Little Nanay lead star nang makita si Maine. Nakipag-picture pa siya sa Phenomenal Star of 2015, huh! Napasigaw pa ang Kapuso actress after ng photo-op!

Lalo pang kinilig ang Kapuso actress nang papurihan siya ni Meng sa magaling niyang performance sa GMA series.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALI SOTTO

ANG

ARNOLD CLAVIO

AYON

BABY ZIA

DINGDONG DANTES

KAPUSO

KING OF PHILIPPINE

KORTE SUPREMA

YAN YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with