^

Pang Movies

Maine ayaw nang magluto!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa naging exclusive interview ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nasabi nito na never niyang naisip na magiging sikat siya dahil sa paglabas niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Simple lang daw ang buhay niya at nabulabog nga ito nang dahil sa natamo niyang “accidental fame”.

“Never ko po in-i­magine or in-expect na may ganitong mangyayari sa buhay ko.

“Sobrang nagulat din po ako and y’ung family ko.

“Maski po ako, ‘di ko alam kung paano nangyari lahat eh.

“Biglaan po talaga lahat nangyari,” ngiti pa niya.

Lumaki kasing mahiyain si Maine kaya walang nakaisip na puwede siyang maging artista.

“Totoo po, kasi bata po ako, as in mahiyain po ako.

“And habang tumatanda ako, parang hindi ko po alam kung ano ‘yung gusto kong gawin sa buhay ko so parang hinahanap ko talaga kung ano po talaga ‘yung para sa akin.

“So happy ako na feeling ko ito na po.

“Finally nasagot na ‘yung tanong ko,” diin pa niya.

Ang pag-Dubsmash daw ay ginawa lang niya dahil sobra siyang nabo-bore sa opisina ng pamilya niya.

Dahil sa kawalan ng ginagawa ay pinaglaruan niya ang Dubsmash app.

“Sumikat po kasi yung Dubsmash application, and then tumutulong po ako sa office namin.

“And since wala po akong magawa masyado doon, naisip ko po i-try yung application.

“So parang naaliw ako, so ang ginagawa ko po, gumawa ako ng maraming videos.

“Hindi ko siya naisip as a way para makapasok sa show business or what, parang naaliw lang po ako sa application. Hindi ko po naisip na ma-re-recognize ako through that.”

Dahil sa pagiging sikat ni Maine, hindi lang siya kasama sa top-rating shows (Eat Bulaga, Princess In The Palace) kundi may pelikula pa siya na My Bebe Love sa Metro Manila Film Festival at sangkaterbang mga TV commercials and endorsements.

At kahit isang Culinary Arts graduate si Maine, mas gusto na raw niya ang showbiz. Inamin niya na hindi naman daw niya passion ang pagluluto.

“Hindi ko siya passion, okay po magluto, pero ‘di po talaga ako masaya. Mas masaya po ako dito sa showbiz.”

Benjamin todo emote na malungkot ang Pasko

Medyo blue nga raw ang kulay ng Pasko ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves dahil nami-miss niya ang kanyang pamilya na naka-base sa Guam.

Wish ni Benj na makauwi naman siya ngayong Pasko at makasama ang kanyang pamilya.

“Sana makauwi ako. I have a nephew that I’ve never spent Christmas with.

“He’s only two years old at humihingi ng gifts. Nag-wi-wish list na! Sana makapunta ako doon para mabigay ko sa kanya in person.”

Miss na raw ng aktor ang Christmas tradition ng kanyang pamilya.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BENJAMIN ALVES

CULINARY ARTS

DAHIL

DUBSMASH

EAT BULAGA

JESSICA SOHO

NIYA

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with