^

Pang Movies

Baka pampaayos ng malaking gilagid… Celebrity na talunan sa contest, OA ang biglang taas na TF

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines- Nagulat ang isang taga-showbiz na kumukuha ng performers sa ilang events dahil sa laki ng talent fee na hiningi ng manager ng isang talunan sa isang celebrity contest show ng isang top TV network.

Metro Manila lang naman ‘yung event, pero ang TF na nga raw ngayon ng talunang celebrity ay one hundred thousand pesos, huh!

Eh, bago napasali sa contest na ‘yon, ang baba-baba lang ng TF ng talunang celebrity dahil halos hindi nga siya kilala, pero biglang nagtaas ng sobra ang TF niya kahit hindi naman siya pinalad na makasama sa grand finalists ng nasabing celebrity contest, show, huh!

Feeling nga ng taong kumukuha sa kanya ay over naman ang ganoong kataas na TF para sa nasabing talunang celebrity.

Sa gulat, hindi na tumawad pa ‘yung nag-i-inquire at inisip na lang na baka kaya nagtaas na ng sobra ang TF ni talunang celebrity ay para mapaayos nito ang malaking gilagid.

K Brosas, umiyak ng bonggang-bongga sa show ni Kris

Bagay nga ba sa komedyanang si K Brosas ang kasabihang “laughing on the outside, crying on the inside”?

Kahapon, nag-cry si K sa KrisTV ng kaibigang si Kris Aquino nang matanong ng tinaguriang queen of all media tungkol sa kanyang lovelife.

May pinagdaraanan pala itong si K.

Mukhang kahihiwalay lang ni K sa lalaking minamahal at pati ang kaibigang si Kris ay hindi updated tungkol sa bagay na ‘yon.

Bonggang-bongga nga ang pag-iyak ni K sa KrisTV kahapon, pero in fairness to Kris, hindi naman siya naging insensitive dahil hindi niya pinilit ang kaibigan na magkuwento ng tungkol sa pag-iyak nito.

Kris ‘block screening’ ang gustong regalo sa Pasko

Speaking of Kris, maraming mga kaibigan ang actress/TV host na nagbabalak na ng block screening para sa Metro Manila Film Festival 2015 entry niya na All We Need Is Pag-ibig.

Ang karamihan sa mga magpapa-block screening ay ‘yon daw ang Christmas gift kay Kris.

Mahirap daw kasing bigyan ng regalo si Kris dahil halos lahat naman ng mga bagay ay meron na siya, kaya karamihan sa mga kaibigan niya ay magpapa-block screening na lang ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Derek Ramsay sa filmfest.

Gretchen malaking blessing sa mga kaibigan

Si Gretchen Barretto sa Hong Kong kasama ang ilang mga kaibigan.

Isa si Gretchen sa mga celebrity na mahilig magliwaliw abroad at isinasama ang kanyang mga kaibigan.

Sabi, suwerte raw ng mga kaibigan ni Gretchen dahil generous ang aktres.

Pero kapag tatanungin naman ang kanyang mga kaibigan, suwerte raw sila kay Gretchen dahil napakabait na tao ng lovey-dovey ni Tonyboy Cojuangco.

Sobra raw ang loyalty ni Gretchen sa mga kaibigan na naglalaan talaga ng oras para sa kanya.

 

vuukle comment

ACIRC

ALL WE NEED IS PAG

ANG

CELEBRITY

DEREK RAMSAY

GRETCHEN

HONG KONG

K BROSAS

KAIBIGAN

KRIS

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with