^

Pang Movies

Kahit busy kay Baby Z Dingdong at Marian, present pa rin sa X-mas party ng fans

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sinorpresa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang DongYan fans sa Christmas party na ginawa nila sa Aberdeen Court in Makati City last Saturday. 

Ayon sa tweet ng isang DongYan fan, pinadalhan daw nila ng invitation ang dalawa pero hindi siya nag-expect na darating sila. 

Alam nilang busy si Dingdong sa work niya at si Marian naman ay nagbi-breast feed kay Baby Letizia.  Kaya ang tuwa nila nang dumating ang da­lawa.  Every year kasi ay ginagawa nila ang Christmas party at never pang pumalya ang dalawa kahit noong mag-sweetheart pa lamang sila. 

Kumusta naman si Marian?

“Para pong hindi siya nanganak, balik na kaagad ang katawan niya sa dati. Para pa rin silang mag-BF/GF, ganoon pa rin sila ka-sweet at ang aura nila masayang-masaya lalo na si Dong na hindi nakitaan ng pagkapagod sa everyday na tungkulin niya at sa pag-aalaga sa gabi kay Baby Letizia.” 

 Si Dingdong daw kasi ang nakatokang mag-alaga sa baby nila at ginigising lamang niya si Marian kapag time na i-breast feed si Baby Z.

Kahit na-bash Kris manghang-mangha kay Yaya Dub!

Walang kumuha ng picture o video ang nangyaring pagya­yakap at paghingi ng apology ni Maine Mendoza kay Julie Anne San Jose sa backstage ng Sunday PinaSaya (SPS) dahil nirespeto nila ang pangyayari.

Naroon kami pero hindi kami nag-tweet pero si Gladys Guevarra ang nag-tweet ng nakita niya. Alam ng buong AlDub Nation ang bashing na tinanggap nina Maine at Julie Anne dahil sa pagkakamali ng director ng SPS na sinagot ang tweet ng isang fan. Nag-apologize naman siya agad sa pagkakamali niya kina Alden, Maine at Julie Anne.

May mga nang-bash kay Gladys sa tweet niya na parang hindi sila naniniwala na ginawa iyon ni Maine. 

Kaya nang i-confirm namin na totoo ang tweet ni Gladys, may mga naghanap naman ng picture o video sa amin. Sagot namin nirespeto ng mga tao sa studio ang pangyayari kaya walang picture or video. 

May mga natuwa naman na nag-tweet na hindi na kailangan ang picture or video, tama na raw na confirmed ang pangyayari dahil iyon ang ini-expect nila sa paggi-guest ni Maine sa SPS para sa promotion ng My Bebe Love sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Tama raw na wala nang proof dahil marami namang nakakita, baka kung may picture sabihing pang-showbiz lamang iyon. 

May mga nag-wish din na sa pag­yaya­kapan nina Maine at Julie Anne ay tumahimik na rin ang mga nanggugulo sa kanila.

Ang isa pang pumasok sa dressing room ni Maine ay si Kris Bernal na guest din para sa Final Four ng Starstruck 6. Nag-request siya ng shoot with Maine na dali-dali namang tumayo at umakbay pa kay Kris. 

Matatandaan na na-bash din si Kris ng fans nang mag-post siya roon ng picture na magkasama sila ni Alden nang papunta silang Camarines Sur for a show. Nai-post agad ni Kris sa kanyang Instagram account ang picture nila ni Maine with a caption: “Gothic and chic. Little Nanay (her soap sa GMA 7) meets Yaya Dub. I gushed at her for a bit about how amazingly she is!  I screamed and freaked out for a minute after the photo was taken.  She’s so pretty, prettier in person. Very accommodating. One of the reasons why she is so loved by many. Thank you @mainedcm!”

 

vuukle comment

ABERDEEN COURT

ACIRC

ALAM

ANG

BABY LETIZIA

BABY Z

JULIE ANNE

MAINE

NBSP

NILA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with