^

Pang Movies

Sa pag-arte Angel nilamon nang buhay si Dimples!

TSUPPATID - Pang-masa

Kahit sinong artista yata ay hindi kayang talbugan si Angel Aquino.

Maiinis ka sa babaeng ito dahil sa galing niya umarte, ke bida , ke kontrabida, salbahe man o mabait.

Lalamunin ang artistang itatapat sa kanya.  E, si Dimples Romana ay magaling na artista, pero nilamon siya ni Angel sa ilang eksena sa TV series na And I Love You So na airing na at sa true lang nakakailang days pa lang itong napapanood, hataw na sa ratings.

Wa kyems e kasi talagang inaabangan ng mga fans nina Iñigo Pascual, Julia Barretto, Miles Ocampo at iba pang young talents na kasama sa serye.

At syempre, sa title pa lang kilig to the keeps ang mga song lovers, e, itong And I Love You So ay si Perry Como kaya ang unang kumanta at nagpasikat.

Ako nga kinikilig sa awiting ito na isa sa favorite song ko.  Wala lang, type ko ang said song.

True uulitin namin, napakagaling na artista ni Angel Aquino, katakot sabayan, pero nagagawa ni Dimples dahil hanggang sa ending , mayroon silang face to face acting.

Miles at Julia, hasang-hasa na

Pero wag isnabin si Julia Barretto at Miles Ocampo, marunong silang umarte.

Bagay pala kay Julia ang mataray, siya ang anak ni Angel, at itong si Miles naman ay anak ni Dimples na parang pinagtiyap dahil sa pagiging magkamukha nila.

Sabagay no question kay Miles dahil bata pa lang ay kasama na siya sa Goin’ Bulilit.  Kung baga ito ang school niya na naghasa sa kanyang acting talent.

Si Julia ay minana ang husay mag-artista sa kanyang ina, sa ama, sa mga tiyahin na pawang magaga­ling na artista.

Korina todo na ang pagpapapayat para sa eleksyon!

Hala, ang layo pa ng campaign period pero parang nag-i-slim down na siya.  Napansin namin na lumiit na ang Rated K host na si Korina Sanchez-Roxas.

Pero parang mas lovely siya na slim, babaeng-babae ang dating.

E, kasi hindi lang ang trabaho sa TV ang ginagampanan niya, siya na rin bale tumatayo na spokesperson ng kanyang husband, si DILG Secretary Mar Roxas, ang soon to be president of the Philippines.

Si Madam Korina ang over-all handler ng husband niya, contact person, sa parte ng press, lalo na sa showbiz media.

The other night nga, mayroon siyang meet the entertainment press for Sir Mar na dumating naman at naki-join sa press people.

Napaka-charming ni Sir Mar. Parang ang sarap singhut-singhutin ang bango bango kasi.

Well, purely chickahan lang, raffle, singing contest, sayawan at know each other with press si Sir Mar, kasamang nag table-table si Sir Mar at escort niya si Con. Dan Fernandez, soon to be the Sta. Rosa Mayor (Laguna) and Rep Alfred Vargas ng Quezon City.

‘Salamat, Kapuso!’

Ang GMA 7 ang unang network na nagbigay ng Christmas Party for the Press.  Ang saya-saya.  Busug na busog ang lahat na invited press ng GMA 7 na ginanap sa Studio 7 Annex bldg.

Bumati ang GMA boss na si Atty. Gozon after ng opening prayers at makabagbag na awitin ng isang all-male group ng National Anthem.  Pati si Kuya Germs ay nagbigay ng makabagbag-damdaming pabati sa lahat.

Umaagos ang mga regalo at ang lafang, saksakan ang rami, ibig sabihin maunlad ang GMA dahil ipinamimigay ang anumang meron sila.  Merry Christmas sa corporate people.  Sa big bosses like Mrs. Angel, Ms. Redgie, Ms. Cheryl Sy, Ms. Arayata and more!

Maligayang Pasko…

Merry Christmas, God bless you and children, specially ‘yung since birth ay Pinoy na si Sen. Grace Poe, Dolor and family, Ema Guevarra and family at lahat ng friends at relatives.  Mga editor ko sa mga sinusulatan kong babasahin!

vuukle comment

ANG

ANGEL AQUINO

CHRISTMAS PARTY

DAN FERNANDEZ

I LOVE YOU SO

JULIA BARRETTO

MERRY CHRISTMAS

MILES OCAMPO

NBSP

SIR MAR

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with