^

Pang Movies

Carla ayaw mang-agaw ng trono

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil nga medyo lie-low sa showbiz ngayon si Marian Rivera since kapapanganak pa lang at isa na siyang mom ngayon, sinasabing ang susunod daw sa yapak nito bilang Reyna ng Primetime sa GMA 7 ay si Carla Abellana.

Nararamdaman ba ni Carla na siya na talaga ang Primetime Queen?

“No, no way. Hindi po,” pagtanggi ni Carla nang makatsikahan namin sa press launch ng ine-endorse niyang Vita E Softgel capsule ng ATC Healthcare.

“Ako, honestly enough, ang napi-feel ko is hindi ako pinababayaan ng GMA but in terms ho sa ganun’g title na Primetime Queen, I wouldn’t say kasi siguro, mas marami pa ho akong kailangang i-prove, mas marami pa akong shows na hopefully, mas mag-rate pa ho in the future bago ko ma-achieve ang title na ganu’n,” she said.

Say pa niya, napakahirap daw magkaroon ng ganu’ng label.

“Maraming responsibilities, maraming pressure, expectations that come with the title. So, mahirap. Basta sana, regular lang ang pagpasok ng work, okay na sa akin ‘yun. Kahit wala na hong title-title.”

Pokwang tapos na ang mga malalamig na Pasko

May ipinakitang suot na singsing si Pokwang sa presscon ng All You Need is Pag-ibig kaya ang reaksyon ng lahat doon, engaged na pala siya sa kanyang foreign dyowa na si Lee O’Brien.

Pero kaagad niyang sabi, “katutubos ko lang,” patungkol sa ring na siyempre, ayaw maniwala ng iba kaya ang sumunod na tanong sa kanya ay kung nag-propose na nga ba ang boyfriend.

“Wala pa!” bulalas niya. “Darating tayo diyan.”

Ano ‘yung singsing?

“Katutubos ko nga lang. Ay, ako ba, maglilihim sa inyo? Hello! Wala pa nga, kayo naman! Kaya ko namang bumili kahit papano. SM lang ‘to, eh,” sey pa niya.

Tinanggap na rin ng press ang kanyang paliwanag.

Aminado naman si Pokie (tawag kay Pokwang) na sobrang saya ng Pasko niya this year.

“Masaya naman ‘yung mga nakaraan kong Pasko pero ngayon, mas masaya. At saka, meron na akong kasamang magsisimbang-gabi.”

Sey pa ni Pokie, 17 years daw siyang nga­nga ang love life kaya naman sobrang happy niya na finally, dumating na rin ang pag-ibig sa buhay niya.

First Christmas nga raw ni Lee sa Pinas kaya excited daw siya.

“Excited, alam mo na,” sambit pa ni Pokie. “Tapos na ko sa malalamig na Pasko.”

Gaano kainit ngayon ang Pasko niya?

“Ay, everyday summer!” sabi ng ko­medyana.

Ha-ha-ha!

Jennylyn, kinakarir ang mall tours

Ratsada na sa pagpo-promote ang cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 entry na #Walang Forever sa pangunguna nina Jennylyn Mercado and Jericho Rosales.

Nagsimula na ang kanilang mall tour at kahapon nga ay nasa Glorietta Mall sila. Iikutin nila ang malls to promote the movie since wala silang masyadong promo sa TV.

Good thing, walang ginagawang soap ngayon sa GMA 7 kaya pwedeng-pwede niyang karirin ang mall tours.

Bukod sa promo ng MMFF film niya ay isinasabay na rin ni Jen ang paghahanda para sa Ironman Cebu 2016 kung saan ay sasali ang aktres.

Kung saan-saan na nga nakakarating si Jen sa pag-eensayo ng triathlon at mas gusto niyag mag-bike sa mga bulubunduking lugar.

Because of triathlon ay nakuha ring endorser si Jen ng Trinx Bike. Siya ang first and only choice celebrity endorser ng kumpanya dahil nang magpa-survey sila sa lahat ng outlets nila nationwide at sa mga consumers nila kung sino ang top triathlete celebrities for them, ang aktres ang nag-no.1.

Pumirma si Jen ng 18 months contract sa Trinx Bike na may outlets nationwide.

Sa pagpasok ng 2016, wish ni Jen na magtuluy-tuloy ang mga blessing sa kanya at lalo pang bumongga ang career para raw sa magandang future ng kanyang kaisa-isang anak na si Alex Jazz.

vuukle comment

ACIRC

ALEX JAZZ

ALL YOU NEED

ANG

CARLA

NGA

NIYA

PASKO

POKWANG

PRIMETIME QUEEN

TRINX BIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with