^

Pang Movies

Nireport ni Gladys, Maine may-I hug kay Julie Anne!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Gladys Guevarra ang source ng balita tungkol sa encounter kahapon nina Maine Mendoza at Julie Anne San Jose sa studio ng Sunday PinaSaya.

Si Gladys ang nagtsismis na nakita niya na niyakap ni Maine si Julie Anne na napaiyak.

Sinabi rin ni Gladys na nag-apologize si Maine kay Julie Anne pero walang mga photographer sa paligid.

Hindi yata updated si Gladys sa mga nangyayari kaya kiyeme-kiyemeng nagtanong pa siya kung ano’ng meron sa pagyayakapan nina Maine at Julie Anne?

Dahil sa mala-reporter na pagbabalita ni Gladys, nadagdagan ang kanyang followers sa social media na sabik na makitsismis sa mga nangyari sa likod ng kamera.

Nang tanungin siya kung bakit humingi ng paumanhin si Maine kay Julie Anne, buong ningning na sinabi ni Gladys na wala siyang idea. Naging gossip girl lamang siya dahil sa eksena na nasaksihan niya sa dressing room.

Maine at Alden, hindi pa rin naniniwalang kagagawan ng fans ang pamba-bash kay Julie Anne

Siguro naman, hihinto na ang mga tao na nanglalait at nang-ookray kay Julie Anne dahil mismong si Maine na ang lumapit at nag-apologize sa singer-actress.

Hindi naniniwala sina Maine at Alden Richards na may kinalaman ang AlDub fans sa mga paninira kay Julie Anne dahil mababait daw ang fans nila.

Matagal nang tinitiis ni Julie Anne ang mga pang­hahamak sa kanya dahil useless na ipagtanggol niya ang sarili dahil sarado ang utak ng jealous fans.

Hindi naman kasalanan ni Julie Anne na ma-link siya kay Alden na matagal nang nangyari pero hanggang ngayon, affected pa ang fans.

In fairness to Julie Anne, hindi pa artista si Maine nang magkaroon sila ni Alden ng isyu kaya mali talaga na pagselosan siya at libakin.

Attitude ng fans ngayon, very 70’s!

Nadagdagan ang mga humahanga kay Maine Mendoza dahil sa pagpapakumbaba niya at paghingi ng sorry kay Julie Anne.

Natural lang na mapaiyak si Julie Anne dahil kahit nananahimik siya, ayaw pa rin magpaawat ng fans na limited ang pang-unawa.

Sa totoo lang, very 70’s ang attitude ng mga tagahanga ngayon dahil hindi na uso ang nakikipag-away para ipagtanggol ang kanilang favorite stars!

Panahon pa ‘yan nina Nora Aunor at Vilma Santos pero nag-mellow na ang avid fans nila. Very yesterday ang ganyang attitude ‘no!

Sef dumugo ang mukha dahil sa itlog

Nasugatan ang noo ni Sef Cadayona nang basagin ni Jerald Napoles ang itlog na hawak sa kanyang mukha.

Ito ang dahilan kaya nag-dialogue si Sef na “ Ang pimple ko yata ang tinamaan mo!”

Nagdugo ang noo ni Sef pero dahil professional, dinedma niya ang masakit na pakiramdam.

Ang basagan ng itlog na segment ng CelebriTV ang isa sa mga inaabangan sa aming Saturday afternoon show sa GMA 7.

Type na type ng Pinoy audience ang mga ganoong drama dahil tuwang-tuwa sila kapag nababasag ang mga itlog na madalas na napapanood natin sa mga lumang pelikula.

Humahataw sa live ratings ang CelebriTV sa tuwing nagbabasagan na ng itlog sa mukha ang aming mga celebrity guest.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNE

DAHIL

FANS

GLADYS

JULIE

JULIE ANNE

KAY

MAINE

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with