^

Pang Movies

Sa sobrang gentleman Alden nagmumukhang alalay ni Maine!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pansin na pansin ng mga fans nila Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang pagiging gentleman ng Pambansang Bae.

Sa presscon nga ng My Bebe Love #KiligPaMore ay kitang-kita ang pag-alalay ni Alden kay Maine habang papasok sila sa venue.

Comment ng fans ay sobrang maasikaso raw si Alden kay Maine kaya nakakalimutan na raw nito na artista rin siya.

May nagsabi pa na para na siyang isa sa mga Rogelio ni Lola Nidora sa sobrang pagbantay nito kay Maine.

Kung si Alden ang tatanungin, he doesn’t mind na gawin iyon kay Maine dahil gano’n naman daw talaga ang isang lalake sa isang babae na mahalaga sa kanya.

Siyempre, super smile si Maine dahil alam niyang kahit hindi na kailangan gawin iyon ni Alden, nagpapakita ito ng effort na asikasuhin siya.

 “Sinasabi ko naman kay Alden na huwag siyang masyadong Rogelio sa akin.

 “Kaya ko naman at siyempre, nahihiya rin ako sa kanya.

 “Pero gano’n lang daw talaga siya.

 “Natutuwa naman ako sa mga gestures niya.

 “He’s really a nice person inside and out,” ngiti ni Maine.

Camille puspusan na ang paghahanda sa kasal sa 2017

Sa 2017 pa ang kasal ni Camille Prats sa kanyang fiancé na si VJ Yambao.

Pero ngayon pa lang ay naghahanda na si Camille.    

Noong nakaraang December 7 ay nag-post si Camille sa kanyang Instagram account ng photo kung saan kasama niya ang dalawa sa kanyang tinatawag na Wedding Team.

Kabilang ang designer na si Patricia Santos at wedding planner na si Christine Ong Te na makakasama ni Camille sa kanyang maagang paghahanda sa kanyang 2017 wedding.

Nilagyan pa ni Camille ng hashtag #FutureMrsYambao ang kanyang caption.

Nag-propose si JV kay Camille noong July 18 sa Nayomi Sanctuary in Balete, Batangas.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ikakasal si Camille na nabiyuda noong sumakabilang-buhay ang kanyang mister na si Anthony Linsangan in 2011 dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer.

May isang anak si Camille kay Anthony na si Nathan na pitong taong gulang na.

Very honored si Patricia Santos na siya ang napili ni Camille para gawin ang dream wedding gown nito.

Ang mga creations ni Patricia ay nasuot na ng mga celebrities na sina Jennylyn Mercado, Aubrey Miles, Maja Salvador at Jasmine Curtis-Smith.

Ang wedding planner naman ni Camille na si Christine (of Christine Ong Te Events) ang siyang nag-asikaso ng wedding preparations ng GMA news anchors na sina Raffy Tima at Mariz Umali.

Taylor Swift nangunguna pa rin sa Grammy

Si Taylor Swift pa rin ang nanguna sa nominations para sa Grammy Awards 2016.

Nakuha ni Taylor ang six nominations at kasama rito ang Album of the Year, Song of the Year at Record of the Year.

Nakuha rin niya ang nominations for Best Pop Album, Best Pop Solo Performance, Best Pop Duo, Best at Best Music Video.

Ito ay para sa mega-hit album niya na 1989 at ang singles nito na Blank Space at Bad Blood ang nabigyan ng pansin.

Makakalaban ni Taylor para sa Album of the Year ay ang Sound and Color ng Alabama Shakes; To Pimp A Butterfly by Kendrick Lamas; Traveller by Chris Stapleton and Beauty Behind the Madness by The Weekend.

Gaganapin ang Grammy Awards sa February 15, 2016.

vuukle comment

ACIRC

ALBUM OF THE YEAR

ALIGN

ANG

CAMILLE

GRAMMY AWARDS

LEFT

NBSP

PATRICIA SANTOS

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with