^

Pang Movies

Marlo handa na sa ‘hiwalayan’ nila ni Janella

Jun Nardo - Pang-masa

Nakahanda ang teen actor na si Marlo Mortel sa planong pagbuwag sa love­team nila ni Janella Salvador.

Lumutang na kasing si Elmo Magalona ang next leading man ni Janella sa teleserye sa Kapamilya network.

 “Dati naman kasi, sinasabihan na ako na mag-ready kasi hindi naman lahat permanent dito sa showbiz, ‘di ba? Kumbaga, kahit matitibay na loveteams, nabubuwag din.

 “Ako, ni-ready ko na ang sarili ko simula pa lang nung nag-enter ako sa showbiz. May mga ganyang times na kung ano ang gusto mo. ‘yun ang mangyayari. Management’s decision na i-partner sila dalawa so wala naman akong magagawa roon!

 “Ang magagawa ko lang is to be happy for her and gawin ko ang best ko bilang artist!” paliwanag ni Marlo sa general presscon ng Regal filmfest entry na Haunted Mansion.

Ang pagiging makulit ni Janella ang mami-miss ni Marlo sa ka-loveteam.

“Kapag tulog ako, madalas niya akong piktyuran! Nang-aasar siya. Totoo naman talaga kasi ang friendship naming dalawa, We trust each other. So mami-miss ko ‘yung friendship namin. F­eeling ko naman ‘di mawawala ‘yon.

“Saka hindi naman siguro ito ang last team up namin. Malay mo in the nearest future eh mag-partner uli kaming dalawa!” katwiran ni Marlo.

Buwagin man ang Marlo-Janella loveteam, handa naman silang ipaglaban ng kanilang mga fans at suportahan ang launching movie nilang Haunted Mansion, huh!

Parang organic ang acting, Maine hindi sumalang sa workshop

Kumakabog ang dibdib ni Maine Mendoza (Yaya Dub) bago sumalang sa general presscon ng unang movie at MMFF entry na My Bebe Love: #KiligPaMore.

Sa nakaraang mga interview niya sa TV bilang Yaya Dub, one on one lang ‘yon kaya madali niyang naitawid, huh!

 “Kinakabahan ako pero keri lang!  First time na mangyayari sa akin. Hindi ako sanay humarap kumbaga sa maraming tao. Feeling ko naman, keri lang siya. Nawawala ang kaba ko kasi nandito naman si…Si Alden (Richards)! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Maine.

Kumusta naman ang experience niya sa paggawa ng unang movie lalo na’t sina Vic Sotto at AiAi de las Alas ang kasama niya?

 “Nailang ako nung una pero nang tumagal, naging relax na ako,” sambit niya.

Ayon naman kay Bossing, natural actress ang dating ni Maine sa movie. Hindi muna nila isinalang sa acting workshops ang bida ng kalyeserye ng Eat Bulaga upang maging organic ang dating niya.

Ano naman ang aasahan ng AlDub Nation kay Alden pagdating sa mga kilig scenes sa kanila ni Maine?

“Nang mabasa ko ang script, ako personally, kinikilig eh. Ha! Ha! Ha! ‘Yung kilig niya, simple lang. Hindi complicated.  Makaka-relate po ‘yung mga kabataang makakapanood. Young at heart, ‘yung mga lolo at lola natin specially. Very light. Walang masyadong iisipin. Mag-i-enjoy sila!”saad naman ni Alden.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALIGN

ANG

HAUNTED MANSION

LEFT

MARLO

NAMAN

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with