^

Pang Movies

Mukha tuloy walang silbi: Female celeb hindi makaeksena sa kampanya ng dyowang pulitiko

Jun Nardo - Pang-masa

Hindi raw makaporma ang female celeb sa asawang pulitiko. Gusto raw kasing tumulong ng female celeb sa kampanya ng asawa.

Eh ang problema ayaw siyang pansinin ng campaign team ng asawa, huh! Robot na lang ang drama niya dahil ginagawa na lang niya ang iutos ng campaign team.

Sumusunod naman si female celeb pero nagdurugo ang puso niya’t pinalalabas siyang walang silbi, huh!

‘Wag palinlang sa maamong mukha, aktres mahilig tumikim sa mas bata

Mahilig palang tumikim ng mas bata sa kanyang aktor ang magaling na character actress. Ang latest daw niyang nakasiping sa kama ay ang guwapo’t magaling na aktor, huh!

Isa pa raw na nabiktima ng character actress ay ang isang award-winning character actor kahit medyo may edad na ang lalaki.

So ‘wag ma-deceive sa hitsura ng aktres na may maamong mukha dahil malupit din siya pagdating sa lalaking gustong matikman, huh!

Aktor itsapuwera na sa buhay ng aktres na ‘karelasyon’

Magkasama ang showbiz lovers sa isang movie. May tsismis na hiwalay na sila pero walang umaamin sa kanila.

Pero ang balita namin, magkasama nga sila sa set at wala raw pansinan na nangyayari, huh! Tanging sa eksena lang daw sila nag-uusap!

Sa ngayon, nasa ibang bansa ang aktres. Take note na kung dati ay ang boyfriend ang kasama ng aktres, this time itsapwera na si boyfriend!

Magaling na aktor balik-rehab na!

Ipinasok na raw sa rehab ang magaling na aktor dahil sa drugs! Hindi ito ang unang pagkakataon na ma-rehab ang aktor dahil nangyari na ito sa kanya bago nakabalik muli sa showbiz.

Eh mukhang mas malala ngayon ang pagkahumaling ng aktor sa droga, huh! Pati kasi on going projects, nabulabog dahil sa epekto ng drugs!

Manghinayang man ang taga-showbiz sa aktor dahil sa masamang bisyo, mas lalong perhuwisiyo ang epekto nito kung kukunsintihin siya sa mga kalokohan, huh!

Daniel nalamangan na ni Alden sa pagiging singer

Lipas na raw ang panahong Hari ng EDSA billboards si Daniel Padilla!

Si Alden Richards na raw ang kumuha ng trono ng teen actor sa rami ng billboards ngayon ng Pambansang Bae, huh!

Sa loob kasi ng halos limang buwan ay mabentang-mabenta si Alden sa mga TV commercials kasama si Yaya Dub/Maine Mendoza.

Of course, kung may solo commercial si Maine, meron din si Alden.

Ang lamang nga lang ni Alden kay Maine, puwede siyang imbitahan sa iba’t ibang events.

Hindi man kilalang singer ay marunong naman kumanta ang aktor. No wonder, mabentang-mabenta siya sa mga promoters, events organizers at iba pa.

Take note na sa parteng ito, mukhang naungusan na rin niya si Daniel, huh! Balwarte rin ng Kapamilya teen actor ang mga shows sa iba’t ibang panig ng bansa. At mahal ang bayad niya sa ilang kanta lang, huh!

Ang pinagkaiba lang ni Alden, hindi mahigpit ang manager niya. Puwedeng magdagdag ng kanta si Alden na labas na sa kontrata at walang additional talent fee, huh!

 ‘Yun nga lang, kailangan talaga ng sanrekwang security tuwing may show siya dahil bata hanggang matanda ay nagkakagulo sa kanya, huh!

Dahil sa dami ng commercials at trabaho, masagang-masagana ang Pasko ngayon ni Alden at ng pamilya niya!

Jericho at Jennylyn, sa Duty Free sa Taiwan lang nakapamili

Bongga ang mga eksenang kinunan kina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado sa Taiwan last week para sa festival movie nilang Walang Forever.

May mahahalagang eksenang ginawa roon para sa kanilang entry.

Namili ang producers ng movie ng Asian country para sa shooting.

Ilan dito ay ang Thailand at Singapore.

Eh, pangkaraniwan na ito sa manonood kaya sa Taiwan nagdesisyon na mag-shoot na bihirang makita sa local movies.

Mahigpit nga lang ang schedules ng dalawa sa Taiwan.

Two days and two nights lang sila roon kaya walang panahong mag-shopping. Sa Duty Free na lang sa Taiwan airport sila namili.

Bukod sa mga eksena sa Taiwan, may mga eksenang kaabang-abang sa movie dahil sa bagong konseptong ipinakita ni Direk Dan Villegas.

Hindi pa namin nakikita sa bagong trailer ang scenes sa Taiwan pero sure na milyones na naman ang hahamigin nito sa views dahil ‘yung unang full trailer na wala ang Taiwan scenes, milyones na rin ang views sa YouTube, huh!

Janella nalamog sa shooting!

Pumayag si Janella Salvador na bali-balibagin, magsirku-sirko at magpaikut-ikot sa huling shooting day ng festival entry ng Regal na Haunted Mansion.

Kinabahan nga si Direk Jun Lana na baka hindi kayanin ng teen actress ang ganoong eksena. Kasi nga naman, patpatin at very fragile ang katawan ni Janella, huh!

Kahit nabugbog ang buong katawan, nairaos naman ni Janella ang mga eksenang ‘yon. Hindi siya puwedeng magreklamo dahil biggest movie break niya ang HM.

Todo alalay naman si Marlo Mortel sa kanya after that scene. Ganoon kamahal ni Marlo ang ka-loveteam, kesehodang nandoon si Jerome Ponce, huh!

vuukle comment

ACIRC

AKTOR

ALDEN

ANG

DAHIL

HUH

JANELLA

LANG

MGA

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with