^

Pang Movies

Anak ni Carlo J., tumangging mag-direk na mag-isa

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi lang pala si CJ Caparas ang na­binyagan sa pelikulang Angela Markado kundi maging ang bunsong kapatid nitong si Ysabelle Peach.

Doble-dobleng pressure para sa anak na babae ni Direk Carlo Caparas ang nasa­bing pelikula dahil first time niyang maging assistant director, and at the same time nga ay umarte rin siya bilang anak ni Bembol Roco.

Nasanay naman si Ysabelle kahit noong bata siya sa shooting dahil lagi siyang sinasama sa trabaho ng kanyang daddy. Hindi raw niya alam na sikat ang tatay niya noon. Akala niya ay normal lang na trabaho ang pinaggagawa ni Direk Caparas.

Sa edad na 12 years old ay saka lang pumasok sa kanyang kamalayan na respetado at sikat ang magulang niya sa showbiz industry.

Nag-aral ng isang taon na political science sa Ate­neo si Ysabelle, pero pinull out siya dahil masyadong kinakain ang oras niya ng pag-aaral.

Kaya nag-home study ito sa Asian International Distance Learning na imbes na 4 years ay natapos niya ang kurso sa loob ng dalawang taon lang.

Masaya at mahirap ang first experience niya sa pelikulang Angela Markado. Akala ng mga tao ay mas madali sa part niya, pero hindi nila alam na nakatikim din siya ng galit ni Direk Caparas sa shooting.

Napawi lang ang pagod at hirap ng buong cast and crew nang mapanood na nila ang buong movie.

Napagod man si Ysabelle sa pelikulang Angela Markado ay mas naging determinado ang anak ni Direk Caparas na magtrabaho. Meron agad nilulutong movie na ang balak ay solo na niyang ididirek na agad nitong tinanggihan dahil pakiramdam niyang,  marami pa  siyang bigas na kakainin bago matuto sa pagdidirek ng isang pelikula ng solo total naman ay 19 years old pa lang siya. Mas passion pala nito ang pagsusulat kaysa sa pagdidirek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELA MARKADO

ASIAN INTERNATIONAL DISTANCE LEARNING

BEMBOL ROCO

CAPARAS

DIREK CAPARAS

DIREK CARLO CAPARAS

NIYA

YSABELLE

YSABELLE PEACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with