^

Pang Movies

Hindi na makaka-deny Relasyon ni Carla at Tom ibinuko ng ama ng aktres!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil “boto” at wala siyang dapat na ipangamba, ‘di nagdalawang-isip ang actor of the 80’s na si Rey “PJ” Abellana na aminin sa isang malapit sa kanyang press ang katotohanan sa relasyon ng anak niyang si Carla Abellana kay Tom Rodriguez.

Matatandaang sa magkaibang interview kina Carla at Tom, walang pag-amin at pagde-deny. Walang ibinigay na level daw ang kanilang relasyon. 

Pero para kay Pj, bilang ama, natural lang na ‘di ilihim sa kanya ni Carla na sila na nga ni Tom.

“Nasa tamang edad na ang anak ko at alam niya ang tama at mali,” sabi ng aktor na kabilang sa cast ng Because of You ng GMA 7.

Wala pa raw namang nababanggit kay PJ ang anak tungkol sa kasal, pero kung sakali ay walang magiging problema sa kanya.  Sa tingin naman daw kasi niya at mahal talaga ni Tom si Carla.

Buboy inuulan na ng blessings

Tila umaayon naman ang magandang kapalaran ngayon sa career ng singer-actor na si Buboy Villar

Few months ago, nagbida siya sa Kid Kulafu na tumatalakay sa tunay na buhay ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at hindi siya nabigo dahil naging matagumpay ang pelikula at kung saan ay nanalo pa siyang best actor sa Guam International Film Festival.

Now, isa na siyang endorser at modelo. Ipinagmamalaki siya ni Atty. Freddie Villamor ng Ultra Proactive Marketing Inc. na napili nila si Buboy dahil fit sa kanilang produkto, ang Ultra-Nutrifit Meal na siyang sumusuporta upang bigyang lakas at sigla ang actor. 

Sa totoo lang, napaka-epektibo ng Pro-Magnesium, nakakabawas ito ng kulubot sa mukha at nakakagamot sa skin allergies, right Dada Cruz?

Manoling Morato ayaw na sa pulitika

With the right person at sa tamang pagkakataon lamang pwede nating makita ang dating PCSO at MTRCB Chairperson na si Manuel “Manoling” Morato

Tito Manoling is my kababayan in Quezon Province kaya chikahan kami sa tuwing magkikita at dahil nga isa siya sa may puso at tagasuporta ni Mother Ricky Reyes sa mga batang may kanser, muli kaming nagkita sa blessing at inauguration ng Childhaus located in Manila na bigay ni Henry Sy kamakailan.

“I’m okey now after my operation sa heart,” maikling tugon ni Tito Manoling.  “Bihira akong lumabas kasi busy ako.  Hindi lang ako makahindi kay Mother Ricky.  Mahalaga kasi sa aking ang proyekto kahit nagkaroon ng controversy nang mapalitan ako sa PCSO.”

Babalikan nyo pa ba ang politics?

 “Ay, hindi na, hehehe...”

Sino po ang napipisil ninyong tumatakbong presidente ngayon?

“Hahaha....mahirap na magsalita, tatahimik na lang ako.”

                                        

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BECAUSE OF YOU

BUBOY

CARLA

LEFT

NBSP

QUOT

STRONG

TITO MANOLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with