^

Pang Movies

Mister ni drama actress inahas ng katrabahong drama actress din!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May isang pakiusap lang ang drama actress na ito sa mga gustong kunin siya para sa isang teleserye. Hindi puwedeng makasama niya sa show ang isa ring drama actress dahil may ginawa itong masama sa kanya.

Ayon kay Drama Actress A (DAA), dati silang close ni Drama Actress B (DAB). As in super tsika sila at naging ninang pa ito sa kumpil ng isa niyang anak.

Hindi alam ni DAA na mala-ahas pala si DAB dahil nagkaroon ito ng lihim na relasyon sa kanyang asawa.

Nalaman na lang ni DAA ang tungkol sa bawal na relasyon ng kanyang mister at ni DAB noong may nagsabi sa kanya na isang production assistant na nakita nito ang dalawa sa isang private beach resort.

Inalam ni DAA kung kelan iyon dahil itinugma niya ito sa mga araw na nag-out-of-town ang kanyang mister dahil may seminar daw ito.

Dahil nakumpirma na may lihim na relasyon ang dalawa, nagpadala na lang ng text message si DAA kay DAB. Hindi niya gagawin ang manugod dahil cheap daw iyon. Layuan lang daw nito ang kanyang mister at huwag na huwag siyang matatawag na kumare nito.

Kaya hanggang sa mga project sa TV at pelikula, kung naka-cast si DAB ay hindi papayag si DAA na makasama ito.

Mahirap na raw at baka maghalo ang balat sa tinalupan!

Rochelle ayaw i-pressure si Arthur sa pagpapakasal

Nagbiro si Rochelle Pangilinan na baka siya na raw ang mag-propose sa boyfriend na si Arthur Solinap.

Marami na kasing nagtatanong kung kailan sila magpapakasal dahil ilang taon na rin ang relasyon nila.

Kaya si Rochelle ay idinadaan na lang sa biro na siya na raw ang magyaya kay Arthur na magpakasal.

“Sige at ako na ang bibili ng singsing at ako na ang magpo-propose kay Arthur!” malakas na tawa niya.

“Marami ang parating nagtatanong. Siyempre, nakaka-pressure para sa amin, lalo na kay Arthur kasi siya ang lalaki. Everyone expects na siya ang may plano para sa aming dalawa.

“Ako naman, ayokong mang-pressure. Kasi pinaplano lahat yan, ‘di ba?

“Sabi nga ni Lola Nidora, sa tamang panahon.

“Ako naniniwala na may tamang panahon sa lahat. Hindi dapat minamadali kung hindi pa ready.”

Next year ay kasama si Rochelle sa teleserye na Wish I May nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Makakasama rin ni Rochelle ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa series of shows sa PAGCOR in 2016.

Sandra proud na proud sa inampong bata

Ipinagmalaki ng Oscar-winning actress na si Sandra Bullock ang kanyang inampon na batang babae. Pinangalanan niya itong Laila.

Ito ang ikalawang beses na nag-ampon si Sandra. Noong 2010 ay nag-ampon si Sandra ng baby boy named Louis. Inamin ni Sandra na sinimulan niyang ipa-foster care si Laila noong 2012 pa.

“When I look at Laila, there’s no doubt in my mind that she was supposed to be here.

“I can tell you absolutely, the exact right children came to me at the exact right time.

“My family is blended and diverse, nutty, and loving and understanding. That’s a family.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

ARTHUR SOLINAP

BIANCA UMALI

DAHIL

LAILA

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with